March 26...
Long time no update...
sa wakas, bakasyon na...
Shiryl's in the side....
ENJOYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Davin’s POV
Ilang lingo na rin ang nakakaraan nang magulo ang buhay ko dahil sa pustahang ako ang may gawa.
Pilit ko siyang iniiwasan.
Kapag alam kong magkikita kami sa isang lugar, umiiwas na ako.
Ayoko siyang makikitang nasasaktan.
Kahit sobrang namimis ko na siya, pinipigilan ko ang sarili kong lapitan siya.
Masaya na akong tingnan siya mula sa malayo.
Hindi ko siya pwedeng guluhin ulit dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko toward her.
Sometimes, I see her as Shiryl na sinaktan ko but most of the time, nakikita ko sa kanya si Jane, ang taong nanloko at nang-iwan sa akin noon.
They look like each other. May mga pagkakapareho silang dalawa kay’t hindi ko maiwasang maikumpara ko silang dalawa.
Kaya ako ngayon ay naguguluhan.
Hindi ko alam kong mahal ko na nga ba si Shiryl o nakikita ko lang talaga sa kanya si Jane.
Pero hindi ko maiwasang mainggit kapag nakikita ko siyang nakikipagtawanan sa ibang lalake lalo na sa Jhonniel na iyon.
Gusto kong itapon lahat ng binibigay nila kay Shiryl.
Hay! Ano bang nangyayari sa akin?
Natauhan ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Tok tok tok…
“Iho! Bumaba ka na daw sabi ng Mommy mo. Magsisimula na daw ang party.” sigaw ni Yaya mula sa labas ng kwartoi ko.
“Sige ho. Susunod na po ako.” sagot ko saka tumayo na mula sa kama para makapag-ayos.
Formal suit na ang sinuot ko na inihanda mismo ni Ate.
Humarap na ako sa salamin para tingnan kung okay na ang ayos ko.
Hmm… Parang may kulang.
Ah! Yung relo ko.
Nasa drawer ko ata iyon.
Sasarhan ko na sana ang drawer ng mapansin ko ang isang box na katabi nito. Ito ang alahas na binili namin ni Shiryl sa mall as a birthday gift ko kay Ate.
Kinuha ko ito saka tuluyang bumaba.
“Hi Davin! Long time no see. Miss me?” sabay pulupot ng mga kamay niya sa kanang braso ko. Kaibigan ata to ni Ate. Hindi ko na matandaan name niya.
Tiningnan ko lang siya sandali tapos bumalik ang tingin ko kay ate.
“Balita ko certified designer ka na ng isang well known agency ah. Congrats.” sabi nung isang lalakeng kaibigan ni ate.
“Yup! Ako yung magde-design ng mga damit na susuutin ng maglalast walk sa kanila sa fashion show.” masayang tugon ni Ate.
Ang maging designer kasi ang dream talaga niya kaya masaya siya dahil natupad na niya ito.
“Close ba kayo? MAganda ba siya?” tanong nung isa.
Pupunta ba siya dito sa party?” dagdag nung isa.

BINABASA MO ANG
Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)
Genç KurguREVENGE TURNS TO LOVE is a story about the revenge of a mysterious girl to a CASANOVA who love to play hearts of women. Sa likod ng kaakit- akit na appearance ni Shiryl, ano ang kanyang tinatago at bakit niya ginustong mag-take revenge kay David? Pa...