CHAPTER 12

44 0 0
                                    

second update ko for this day. Hope you like it!!!

Enjoy!!!

Davin’s POV

Kailangan ba talagang sa harap pa namin mag-usap ang magpinsan na ‘totungkol sa kung sinumang lalakeng iyon? Sino ba iyon para kiligin sila ng ganito? Bwisit talaga!

“Kumain na kayo!” –Tita quennie

“Sige po, Tita.” –Renz

Subo…subo…subo… nakakabinging katahimikan. Mga gutom ata mga tao.

“Matagal ko na kayong hindi nakikita ah. You should visit me here sometimes. Nakakasawa na ang pagmumukha ng dalawang iyan na araw-araw ko nang nakikita.”

“Tita! Mom!” sabay na angal ng dalawa. Bilis sumagot ah. Kakatuwa ang dalawa. Pareho talaga ng ugali.

“Naging busy din po kami sa studies kaya di po kami nakakadalaw.” –Jarred

“Ilang excuses pa ba ang sasabihin mo sa akin, iho? Kapag hindi ninyo ako binisita dito, hinding hindi mo na makakausap si Andrea at hinding hindi ako papaya na magkabalikan kayong dalawa pag nagkataon.” Grabeng pananakot yan ah. Parang bata talaga si tita.

“Mom, ano’ng pinagsasabi mo diyan?” nahihiyang tanong ni Andrea. She has her own way talaga kaya like na like ko si Tita eh.

Napalingon ako kay Shiryl at busy lang siya sa kinakain niya habang tatawa tawa. Kanina pa siya ganyan ah. Siguro dahil nandito ako.

Shiryl’s POV

Ano kayang problema ng Davin na ito? Kanina pa siya nakatinginsa akin. Alam ko naming maganda ako. Huwag naman sana niyang masyadong pinahahalata.

Tumingin ako sa kanya. Yun bang what’s-your-problem look  na naintindihan niya pero lalo lang siyang ngumiti. Gosh! Nakakainlove talaga lalakeng ito.

“Mom, nakausap mo ba si Jhonniel? Kumusta na siya?” binago agad ang usapan porket nagigisa na siya. Ito talagang si Couz.

“Hindi ko siya nakausap kanina. S Shiryl lang ang kausap niya all the time. Hindi na nga mapaghiwalay ang dal’wa. At mukhang gusto pang magpaiwan niyang pinsan mo.”

Muntik ko pang maibuga ang kinakain ko at uminom ako kagad ng tubig. Tita naman kasi. Bakit ngayon mo pa iyan kailangan sabihin. Napansin kong nawala ang ngiti sa mukha ni Davin. Honestly, nagseselos ba siya. Everytime na pinag-uusapan nain ang tungkol kay Jhonniel, ganyan itsura niya. Hindi maipinta.

Ngumiti ako ng fake. “Matagal ko na kasi siyang hindi nakita so namis ko talaga siya at marami rami kaming napagkwentuhan kaya ganun. Si tita talaga, kung anu-ano pinagsasabi.” Paliwanag ko. Hindi ko nga alam kong bakit ako nagpapaliwanag. Tumingin ako kay Davin at inis pa rin siya.

Andrea’s POV

“Sorry sa mga pinagsasabi ni Tita kanina. Huwag mo na siyang pansinin. Nagbibiro lang siya.” Naglalakad lakad kami dito sa garden ng bahay namin. Katatapos lang namin kumain ngayon. Si Renz kausap ni Mommy sa loob. Siya napagtripan ni Mommy. Kawawa naman.

“Ok lang yon. Gusto ko ring pumunta dito sa bahay ninyo kahit noon pa para makita si Tita at lalo ka na.”

Tumigil ako sa paglalakad kaya’t tumigil din siya. “A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“Andrea, pinagsisisihan ko ang sinabi ko sayo noon. Siguro galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Pero sa tootoo lang, everytime I see you I can’t stop fluttering. Masaya ako sa tuwing nakikita kita. Mahalaga ka pa rin sa akin Andrea dahil hindi nagbago ang feeling ko saiyo. Andrea, mahal pa rin kita hanggang ngayon.”

Hindi ako makapagsalita. Natulala na ako. Totoo ba ang narinig ko o imagination ko lang lahat ng ito? Pakisampal ng po ako.”

“Maghihintay ako Andrea. Kahit gaano pa katagal yun. Pangako ko saiyo, hindi kita lolokohin at sasaktan.”

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw iabsorb ng brain ko. Loading pa ata. Choppy kung baga.

Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon