SHIRYL’S POV
Friday ngayon so it means this is the last day of first week of classes and tomorrow is Saturday. Walang pasok. Wala kaming ginawa ngayong araw sa school. May pinagawa lang ang ibang teachers namin na mga sit works at iyong iba naman hindi pumasok. Bored na bored nga ako eh. Wala akong mahanap na masayanag kausap dito sa room.
Nag-iisa nga ako dito sa bahay eh. Di ko alam kong nasaang lupalop ang pinsan ko. Sina tita at tito naman, may trabaho pa. Ganito na ata kaboring ang buhay ko simula ng dumating ako dito sa Pilipinas.
Mali pala ako. May dahilan nga pala ako kung bakit ako pumunta dito at hindi ko pa nagagawa iyon. Siguro kilangan ko nang kumilos para makapagsimula na ako at para may mapagkaabalahan naman ako.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanina ko pang hinihintay na pinsan ko.
“Hay nakakapagod. Ang sakit ng ulo ko. Ang dami naming ginawa sa opisina. ” –Andrea
“Ginusto mo iyan kaya panindigan mo.” –ako na nakaupo sa couch sa sala.
Pabagsak siyang naupo sa tabi ko. “Siya nga pala, Couz, pwede humingi ng favor?”
“Basta may makukuha akong benefit eh why not?” –ako
“Diba Saturday bukas, wala ka naming gagawin diba?”
“Hmm! Wala naman masyado. Bakit?”
“Naging tradisyon na kasi ni Mommy na binibisita ang mga Amiga niya kapag Saturday at lagi niya akong sinasama sa mga lakad niya kaya lang may groupwork kasi kami sa Algebra kaya pwede bang ikaw muna ang sumama kay mommy,please?”
“Ok lang. iyon lang pala eh. May good reason ka naman kaya sige pumapayag ako.”
“Talaga? Thanks Couz! Kaya love na love kita eh.” Sabay hug niya sa akin.
“How’s going between you and your ex?”
Lumayo ang siya sa akin at umiwas ng tingin.
“B-bakit mo natanong? At ano’ng pinagsasabi mo?” –Andrea
nag-evil smile ako sa kanya. “Lagi kayong nagkikita, nagkakasama, ano’ng gusto mong isipin ko? Na bigla-bigla hindi mo na siya love?”
“T-tumahimik ka nga diyan. Malay ko sa pigsasabi mo. At isa pa kahit gaano ko siya kamahal, mahal din niya ba ako? Pinaglaruan niya lang naman ako eh.”
Pinaglaruan? Pero bakit iba ang napapansin ko kay Jarred. Sa tingin ko mahal din siya ni Jarred, hindi lang niya napapansin kasi nasaktan siya.
“Kayo ni Davin, ano nang nagaganap sa inyo? Balita ko lmalabas na kayong dalawa ah. Ikaw ah, di ka nagkekwento.”
Flashback
(Thursday ng hapon, uwian)
May kausap ako sa phone ng hapon na iyon. Pagkababa ko, may nagsalita sa tabi ko.
"Bad mood?" Napatingin ako sa nagsalita sa side ko at nakita ko ang prince charming ko na nakangiti. Ano daw?
"Sorry but I don't like to talk to you. Please leave me alone." Nagmadali akong maglakad para makalayo kaagad sa lkanya ngunit naabutan niya kaagad ako.
"Kanina pa kita sinusundan. Hinintay rin kita sa labas ng room ninyo tapos ganito lang ang mapapala ko?" --Davin na nakapout. Gwapo!
Napahinto ako sa sinabi niya. Siya ba ang pinagkakaguluhan ng mga babae kanina sa labas ng room namin?
“Hoy, natulala ka diyan?”—Davin
“At bakit mo naman ako hinihintay? May kailangan k aba sa akin?” –ako
“Oo, mayroon nga. Tara samahan mo ako. May pupuntahan tayo.”—Davin
Bago pa ako makapagsalita, hinawakan na niya ang kanang kamay ko at hinigit kung saan.
Nakatingin lang ako sa likod niya. Saan niya ako dadalhin? Date? Feeler…
Naglakad lang kami palabas ng school at huminto sa isang bowling alley.
(tama ba,,, bowling alley… basta yan yung lugar kung saan naglalaro ng bowling)
“Anong ginagawa natin dito?”—ako
“Magtatanggal ng stress.” Ngumiti siya sa akin at pumasok kami sa loob.
Maganda ang place na ito pero hindi ako marunong maglaro ng bowling.
“Mag-eenjoy ka for sure.”—Davin
Nagpaassist siya sa isang empleyado doon habang hawak hawak pa rin niya ang kamay ko. Pinagmamasdan ko lang ang mukha iya at nakangiti siya at mukhang masaya. Dahil ba ito sa akin?
Nakakainlove siya. Hindi ako magsasawang titigan ang lalakeng nasa harapan ko at ang may hawak ng kamay ko. Mainggit kayo.
“Gusto mong mag-try? Ganito lang ito laruin.”
Tinuro niya sa akin kung paano maglaro nito. I enjoy it, really. Masaya ngang maglaro kasama siya. Sana di na ito matapos.
Sinubukan ko magbowling and I did it. Tumumba at natamaan ko lahat.
“Nakita mo iyon? Ang galling ko na, diba?” –proud kong sabi.
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi lang basta- bastang yakap kundi mahigpit na yakap.
“Davin, a-ano’ng…”
“Masaya ako ngayon dahil saiyo. Shiryl, I think I like you.”
I froze on what he said. Oh my gulay! Ano daw? Hindi ako makapagsalita. Napepe na ata ako.
Bumitaw siya sa yakap at tumitig sa mga mata ko. Seryoso siya at kita iyon sa magaganda niyang mga mata.
And the thing I remember, we kissed. A passionate kiss that I will not forget.
I guess I like this guy too.
===========================================================
Maganda ba?
BINABASA MO ANG
Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)
Novela JuvenilREVENGE TURNS TO LOVE is a story about the revenge of a mysterious girl to a CASANOVA who love to play hearts of women. Sa likod ng kaakit- akit na appearance ni Shiryl, ano ang kanyang tinatago at bakit niya ginustong mag-take revenge kay David? Pa...