Chapter 25

35 1 2
                                    

Post-Valentines na... Phabol ko for this Valentines..

Eto na....

Sana nag-enjoy kayo this VALENTINES.

ENJOY!!!!!!!!!!!!

------------------------------------------------------------------------------------------

Andrea’s POV

Biyernes na ngayon. Halos isang lingo nang hindi pumapasok si Shiryl dahil sa hawak niyang malaking proyekto.

Hindi ko na siya nakakausap ng maayos kasi maaga siyang umaalis at kung umuwi siya ay halos past 11 na at kung minsan ay madaling araw na. Siguro ganoon talaga ang buhay ng isang model.

Pero okay na ding may pinagkakaabalahan siya ngayon para kahit papano ay makalimutan muna niya ang mga masasakit na nangyari sa kanya.

“Andrea, pwede ba tayong mag-usap?”

Paano to nakapasok dito sa office ko? Bwisit talaga!

Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na huwag na akong lapitan o kausapin pero halos araw-araw ay kinukulit niya ako.

Tiningnan ko siya. Ngayon ko lang napansin ang isang bouquet ng bulaklak na dala niya.

Ginawa na niyang flower shop ang office ko dahil sa mga dinadala niyang mga bulaklak.

Pero kahit anong gawin niya, hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa nila sa akin noon at sa pinsan ko ngayon.

Malaki ang atraso niya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko naman sa’yo wala ka nang magagawa pa.” binigyan ko siya ng cold stare.

“Please naman Andrea. Hindi ko naman ginusto na umabot ang lahat sa ganito.”

“Hindi mo ginusto?” tumawa ako saglit at biglang nagseryoso. “Nagpapatawa ka ba, Jarred? Kung hindi mo ginusto ang lahat ng ito, sana may ginawa ka na sa simula pa lang para hindi na umabot sa ganito ang lahat.” seryoso kong sabi sa kanya.

Halata sa mukha niya pagmamakaawa… Ngayon ko na naman siya nakitang nagkakaganito.

Papatawarin ko na ba siya?

Pero… hindi maaari. Malaki ang nagawa niyang kasalanan sa pinsan ko.

“Sorry! Sorry na please. Hindi ako titigil hanggang sa mapatawad mo ako. Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako. Lahat gagawin ko, sabihin mo lang.”

$hit! Ayan na naman siya. Ayoko ng ganito. Nagmumukha akong masama.

Lumalambot ang puso ko dahil sa pinaggagawa niya.

Kailangan na niyang umalis hanggang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko.

Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon