Chapter 22

28 1 0
                                    

2nd update ko…

ENJOY!!!!!

Shiryl’s POV

Lunch time na…

Naglalakad ako ngayon patungo sa cafeteria.

Kinakabahan ako kaninang umaga nang papasok na kami ni Couz dahil ayokong makita si Davin at …

Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kapag kaharap na siya.

Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari.

Lokohin ko man ang ibang tao at paniwalain silang ayos na ako, hindi ko magawang tanggapin ang lahat.

Masakit…

Sobrang sakit…

Sana lang hindi magkrus ang landas namin. Please lang!

Nasa loob na ako ng cafeteria at pansin ko ang bulung-bulunagn ng mga mag-aaral na nandito.

Hindi ko alam kung nagbubulungan ba sila o talagang pinaririnig nila sa akin ang mga usapan nila.

“Talaga bang naghiwalay na sila? Ang bilis naman.” –Usisera 1

“Ano’ng nakakagulat doon? Mabilis naman talagang magsawa sa babae si Davin.” –Usisera 2

“Siguradong pinagpustahan lang siya.” –Usisera 3

Huwag mo na lang silang pansinin Shiryl. Sisirain lang nila ang araw mo.

Huminga ako ng malalim at saka bumili ng makakain sa counter. Pagkatapos kong bumili ay naghanap na ako ng bakanteng mesa.

Yung iba, ayaw magpa-share. Nakakabwisit! Sa kanila ba ang table na iyan?

Ipakain ko iyan sa kanila. Makita nila.

“Shiryl, dito.” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Dionne.

Salamat naman! Akala ko kakain ako habang nakatayo.

Nginitian ko siya saka pumunta sa pwesto niya. Naupo ako sa tabi niya at nilapag ang tray ng pagkain.

“Nabalitaan ko ang nangyari. Ok ka na ba?” –Dionne

Hayy! Ito na naman.

Pilit akong ngumiti. “Ok na ako. Don’t worry!”

Tumango lang siya at nagsimulang kumain. Kumain na rin ako.

Hindi pa ako okay… Hindi pa! Paulit ulit na sinasabi ng puso at utak ko.

Tahimik lang kami habang kumakain ng may magsalita.

“Pwede ba kaming maki-share ng table? Wala na kasing bakante eh.”

Kilala ko ang boses na iyon.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Si Jarred nga ang nagsalita. Okay lang sana kung hindi niya kasama ang taong ayokong makita.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Pwede bang bigla na lang akong maglaho sa kinauupuan ko o kaya kainin ng lupa ngayon na?

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko.

Dugudug… dug… dug… Bigla akong nabato sa kinauupuan ko nang makita ko si Davin.

Nakatitig siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

Nakita kong nagbubulungan na naman ang mga mag-aaral na nasa cafeteria.

“Pwede bang maki-share?” ulit ni Jarred.

Nakatingin lang sa akin si Dionne na para bang tinatanong din ako kung okay lang ba.

Nagbuntong hininga ako.

“Okay lang!” saka kumain na ulit ako at di na sila pinansin pa.

Naupo si Davin sa harap ko. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong nakatitig pa rin siya sa akin.

Ano bang kailangan niya? May gusto ba siyang sabihin?

Hindi ko nalang siya papansinin. Ubusin ko nalang ang kinakain ko nang makaalis na ako dito.

“Pwede ba tayong mag-usap?”

Napatigil ako sa pagsubo. Lalong bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko nang magsalita siya.

Ako ba ang kinakausap niya?

Ano’ng dapat kong isagot? Biglang nataranta ang sistema ko.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Shocks! Save by the call ang peg.

Hinanap ko kaagad ang phone ko at sinagot kaagad ang tawag.

“He-hello?” nauutal kong sbungad dito. Nakatingin ako sa may bintana dahil ayokong makita sila.

(“Oh Hi Shi”) bati ng nasa kabilang linya.

“Miss Belle? tanong ko. Tiningnan ko ang number na nag-appear sa screen ng phone ko. Nakakapagtaka, bakit ganito ang number na ginagamit niya? Ang number na ito is for this country lang ah.

(“I’m glad, you still recognize my voice. Where are you?”)

 “I’m at the achool. In cafeteria to be exact, eating lunch. Why?”

(“Oh!That’s good. I’m here outside your school.”)

Mas nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw?

“You’re where? Outside my SCHOOL?” napalakas ata ang boses ko dahil nagtinginan silang lahat sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin.

“But why?” –ako

(“Too surprised? We have a meeting right now about the new photoshoot and an annual fashion show… a big project.”)

“Photo shoot?Fashion show? Why all of a sudden?” hindi ko siya magets. Dapat nasa New York sila ah. Dito ba gaganapin sa bansa yang project na sinasabi niya?

(“Let’s talk about it on the way. As for now, hurry up and meet me here outside your school. I already told your teachers about this so don’t worry, Darling.”)

“Okay, I understand. Bye!” binaba ko na ang phone. Ano ba ito? Hindi pa ako tapos kumain pero ayos na din para makaiwas sa taong nasa harap ko ngayon.

Sumulyap ako sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. Humarapa ko kay Dionne.

“Gotta go. Bye!” sabay halik sa pisngi niya.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmadaling naglakad palabas.

Napahawak ako sa puso ko nang mapalayo na ako sa cafeteria.

Bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

Tama din na may mapaglibangan ako. Ma-divert man lang sa ibang Gawain ang mind ko kaysa isipin lang siya at magpaka-emo.

Di bagay sa beauty koi yon noh.

Makakalimutan ko din siya… SANA!

Shiryl in the side… Photo from her modeling in New York…. Ganda nohhh...

Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon