Chapter 26

37 2 1
                                    

Busy ako eh... March 2...

gusto ko sanang manood ng Concert ng 2PM...

...

Jessica in the side...

ENJOY!!!

Shiryl’s POV

Natapos na ang photoshoot para sa new issue ng magazine ng company namin.

Yung annual fashion show na lang ang pagkakaabalahan ko. Practice lang ang kailangan doon kaya pinayagan na nila akong pumasok sa school and after class na lang ang start ng practice.

Kaya ngayon, I’m here at the school and planning to catch up all the lessons.

Maaga akong dumating dito sa school para makahiram ng notes sa mga classmates ko.

Ang dami kong bitbit eh. Mga chocolate bars, cookies and flowers from other students. Mas dumami nga sila ngayong lumalabas ako sa mga shows sa TV.

Sanay na din ako sa ganito, tulad din kasi ito ng set up ko noong nasa Amerika ako. Palaging madaming bitbit na galing sa mga fans and suitors.

Iiwan ko muna ang mga ito sa room bago ako pumunta sa library para mag-aral.

Nasa ganitong pagmumuni ako ng mapatingin ako sa mini garden sa pagitan ng Dean’s Office at ng Engineering Building.

Parang nagmumukhaan ko ang lalakeng nakaupo sa isang upuan na nakaharap sa part ko.

Hindi ko masyadong makita ang mukha dahil nakaharang ang isang babae. Ang babaeng ito ay nakaharap doon sa nakaupo.

Mukhang nag-uusap sila.

Hindi ko na sana sila papansinin pa at maglalakad na sana ng napansin kong tumayo ang lalake at lumingon siya sa akin.

$hit! Si Davin pala.

Nakatitig lang siya sa akin nang bigla siyang hinalikan noong babaeng nasa harap niya.

Parang dinurog ang puso ko sa nakita ko.

Lalo na nang tumugon siya sa halik ng linta na iyon.

Biglang nanlambot ang katawan ko.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Ayokong makita niya ako in despair.

 Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito.

Naglakad ako ng mabilis. Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

Ang sakit sakit. Bakit nangyayari sa akin ito? Akala ko kaya ko na siyang harapin pero nagkamali ako. Maling mali.

Natapos na ang morning classes ko. Wala akong naintindihan kahit isa sa mga lessons. Lutang ang utak ko.

Paulit-ulit na nirereplay sa utak ko ang pangyayaring nasaksihan ko kanina.

Natauhan ako nang marinig ang pagtunog ng phone ko.

Kinuha ko ito at sinagot nang makita ang name ni Couz sa screen.

“Hello, Couz!” walang sigla kong bati sa kanya.

(“Couz, asan ka? Sabay na tayong maglunch. Puntahan mo na ako dito sa office. May tinatapos lang ako.”)

“Okay! Papunta na ako. Bye!” binaba ko na ang tawag at saka inayos ang gamit ko.

Naglalakad na ako patungo sa office ni Couz nang may humarang sa dinaraanan ko.

Nilingon ko sila at napaatras ako ng makita sina Davin, Jarred at Renz. Kasama nila si Jessica.

Sa pagkakaalam ko ay dream to be beauty queen si Jessica. Siya ang inilalaban ng school sa mga beauty pageants.

Yeah! I admit, She’s pretty and sexy but not as sexy and as beautiful as me and she will never be.

I guess she is the one I see with Davin earlier . Siya yung kahalikan ni Davin kanina.

“Hi Shiryl. Mag-isa ka yata.” bungad nito sa akin.

“Yah! Mag-isa nga ako. Wala ka namang nakikitang kasama ko, hindi ba? sarkastiko kong tanong sa kanya.

Nagkakilala na kami dati pero hindi ko nagustuhan ang ugali niya. Ang haba ng sungay niya eh..

Nakita ko ang pagkainis niya dahil sa sinabi ko pero nakabawi siya kaagad.

Ngumiti siya. “Wanna join us? Magla-lunch kami eh.” sabi niya.

Sige! Simulan mo akong babae ka.

Napatingin ako sa katabi niya. Nakatitig lang si Davin sa akin. Madilim ang mukha niya.

“No, thanks. Sasabay nalang ako kay Andrea.” tanggi ko sa alok niya.

“Ok! By the way, sikat ka na ah. Siguro madaming boys ang umaaligid sayo noh. Kawawa naman sila kasi hindi mo man lang sila pinapansin kasi bitter ka pa rin hanggang ngayon.” ngumiti siyang nakakaloko.

Hinahamon mo talaga akong babae ka ha.

“I think mas mabuti na iyong sakin. Atleast, nirerespeto nila ako, hindi kagaya mo na after pagsawaan ay binabasura na lang kaya kung kani-kanino kumakapit. Takot ka sigurong mag-isa noh?” bato ko sa kanya.

Nainis siya sa sinabi ko.

“Sa tingin ko pareho lang naman tayo. Ang pagkakaiba lang, ako alam ko kung hanggang kailan ang itinatagal ko sa isang lalaki, not like you na nagmukhang tanga at walang kaalam-alam na pinaglaruan lang pala.”

Shapol ako sa sinabi niya.

Tama siya doon.

Biglang bumalik ang lahat ng sakit na matagal kong pilit na kinakalimutan.

Feeling ko anytime papatak na ang mga luha ko.

I composed myself.

I will not show them that I’m weak. Not here. Not infront of them.

Magsasalita na sana ako ng may umagaw sa atensyon namin.

“Shiryl!” Kilala koi yon ah.

Hinanap ko ang taong tumawag sa akin at nakita ko si Jhonniel na palapit sa amin.

Ano’ng ginagawa niya sa school namin? Wala ba siyang pasok ngayon?

“Andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap nina Andrea.” masigla niyang bungad sa akin pagkalapit.

Ngumiti ako ng pilit. “Ganoon ba? Asan na si Couz?”

“Nauna na sila sa cafeteria. Tara na.” –Jhonniel

Hindi talaga niya napansin ang mga tao sa harapan ko. O baka naman hindi talaga niya pinansin.

Nginitian ko siya. “Wait lang!”

Saka ko hinarap si Jessica.

“Tama ka. Nagmukha akong tanga, pinaglaruan lang, sinaktan at niloko pero sa tingin ko mas mabuti na iyon kasi hindi ko alam na ganoon ang mangyayari sa akin kesa sa taong sa una palang ay alam nang masasaktan siya pero ginagwa pa rin ang mga bagay na magko-cause ng hindi maganda sa kanya.” kalmado kong sabi sa kanya.

Ngumiti ako. ”Sige, mauna na kami.”

Hinarap ko na si Jhonniel. “Tara na.”

Umakbay siya sa akin at pinat ang ulo ko.

I know what he wants to express.

He want to tell me that I did a good job.

Tumingin ako kay Jhonniel na nakangiti.

“Thanks!” sabi ko sa kanya at saka ngumiti.

------------------------------------------------------------------------------------

Thanks... 

Vote, Comment and be a Fan...

Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon