Chapter 29

27 2 0
                                    

March 28...

Preparing for ALUMNI HOMECOMING...

Dahil sa bakasyon na, makaka-update na ako often...

Tanya in the side...

ENJOY!!!!!!!!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Davin’s POV

Nasa isang mesa kami ngayon.

SITTING ARRANGEMENT:

Ate Diana        Ako     Tanya      Jarred   Renz

--------------------- Table ----------------------------------

Jhonniel        Shiryl     Dylan      Jack    Lana    Janice

Katapat ko siya at kanina ko pa siya pinagmamasdan pero hindi niya ako pinapansin o kahit tapunan man lang ng tingin.

Si Ate lang ang kinakausap niya at ang Jhonniel na iyon.

“Davin aaa…” Napatingin ako kay Tanya at may hawak siyang kutsarang may lamang pagkain.

Isinubo niya ito sa akin.

Kahit ayaw ko itong isubo ay wala akong magawa. I don’t want to be rude.

Naiilang lang ako dahil nasa harap ko siya ngayon but who cares? Hindi naman niya nakikita ang existence ko.

Anyway, it’s nice to see her again. Kahit sa ganitong paraan, okay na sa akin ito.

“Masarap ba?” tanong niya in seductive tone.

I know I’m not in the mode to play with her especially now.

I just nodded for an answer.

Nakatingin kaya siya sa akin ngayon? Nakita kaya niya ang pagsubo ni Tanya ng pagkain sa akin?

Nagselos kaya siya?

Ano kayang reaksyon niya?

I want to know her expression at kung anong iniisip niya.

Shiryl’s POV

Sa dami ng pwedeng makatapat ko, si Davin pa.

Naku! Naku naman!

“Hindi ba kayo kakain?” tanong samin ni Diana.

Kami nalang kasi ni Jhonniel ang walang kinakain dito sa mesa.

“Ok lang ako. Kumain kasi ako bago pumunta dito.” Wala naman talaga akong ganang kumain.

Sa akin okay lang hindi kumain. Ewan ko lang dito sa katabi ko.

Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon