DAVIN'S POV
Nandito pa rin kami sa club. Nakakarami na nga kami ng inom habang iyong tatlong babae ay kanina pa sumasayaw. Niloko ata si Dionne ng boyfriend niya kanina kaya hindi na nito kasama. Kanina pa nga sila sumasayaw, hindi ata nakakaramdam ng pagod.
Kanina ko pa pinagmamasdan si Shiryl. Napakaganda talaga niya lalo na kapag nakangiti. Sexy siya at matangkad. Hindi maikakaila na pangmodel talaga mga katulad niya. Swerte ko na kung magiging girlfriend ko siya, kaya lang sayang dahil ginalit niya ako.
"Dude, baka naman matunaw si Shiryl sa tingin mo." --Jarred
"Wag mo nga akong pagtripan. Baka si Andrea naman ang matunaw dahil sa malagkit mong mga titig." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Shiryl.
Nakita kong pabalik na sila sa table namin kaya umiwas na ako ng tingin. Baka isipin niya na naiinlove na ako sa kanya.
"Hay, ang saya talaga. Bakit hindi kayo sumasayaw?" --Dionne
"Okay na yang dalawang yan dito. masaya kasi silang tinititigan sina Andrea at Shiryl." nakangiting sabi ni Renz. Sarap batukan. Mabuti nalang at di ata narinig ng mga ito ang sinabi niya o sadyang hindi lang nila pinansin.
"Sayaw pa tayo Couz. Ayoko pang maupo eh." pangungulit ni Shiryl sa pinsan habang hinihila niya ang braso nito na parang bata.
"Ayoko na. Pagod na ako. Mamaya na naman." --Andrea saka umupo sa tabi ko. Halata ngang pagod na siya dahil pawis na pawis na siya.
Tiningnan ko si Shiryl at mukhang dissapointed siya. Bakit parang ayaw kong nakikita siyang nagkakaganyan? Hindi ko alam kung bakit pero tumayo ako at hinila siya patungo sa dance floor.
"What do you like? Bakit mo ako hinila dito?" inis na tanong niya.
"You like to dance, right?" bulong ko sa tainga niya.
May pag-aalinlangan pa siya.
Nagsimula na akong sumayaw sa harap niya. Nagulat ata siya at tinitingnan lang ako. Hindi siya sumasayaw ng biglang nagpalit ng music.
Nakita ko siyang ngumiti at nagsimula ng sumayaw.
"I like this song. This is my favorite." --Shiryl
--Now Playing Like Money by Wonder Girls --
L-L-L-Love me like
Love Me Like
L-L-L-Love me like MONEY
The Wonder GIrls and Akon
Listen to me now
My heart is screaming out
I'm trying to show you how to touch me
I'm not just a girl,
I'm more precious than pearls
And i deserve all you got babe
Ang saya niyang kasayaw. para bang gusto ko siyang yakapin at halikan. Hindi na ako makapagpigil kaya bigla kong hinawakan ang waist niya kaya't halos magkayakap na kami. Napansin kong nagulat siya.
''Don't stop dancing. I like it.'' Lalo ata siyang nagulat sa sinabi ko.
'' Lasing ka na ata.'' --Shiryl.
''Nope! By the way, you're so beautiful tonight.'' I smirked at her.
Umiwas siya ng tingin. Ilang segundo pa, sumayaw na siyang muli. Napakalapit na naming dalawa sa isa't isa. Nararamdaman ko na ang kanyang hininga. tinitigan ko siya ng matagal at napansin niya ito.
“What's the problem?'' --Shiryl
Bigla kong hinigpitan ang pagkakahawak sa waist niya at hinawakan ko rin ang batok niya saka siya hinalikan. Hindi siya gumagalaw. siguro nagulat sa ginawa ko. Dahan-dahan kong diniinan ang halik ko. Ang lambot ng mga labi niya. Bumitaw na ako at ngumiti sakanya.
''I like you.'' Ako
Bumalik na ako sa table namin. Hindi ko alam kong nakasunod siya sa akin.
''Wow! That was hot.'' Nakasmirk sina Jarred at Renz.
Lumingon ako sa dance floor pero wala na siya. Maging ang dalawang babae na nasa table ay wala na rin. Hindi ko na sila pinansin at kumuha nalang ako ng bote ng alak saka uminom.
“I told you, she’s that easy.” I’m grinning.
Napailing lang ang dalawa.
-----------------------------------------------------------------------------
It is revised. ENJOY READING!!!
BINABASA MO ANG
Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)
Genç KurguREVENGE TURNS TO LOVE is a story about the revenge of a mysterious girl to a CASANOVA who love to play hearts of women. Sa likod ng kaakit- akit na appearance ni Shiryl, ano ang kanyang tinatago at bakit niya ginustong mag-take revenge kay David? Pa...