Chapter 51

18.9K 657 591
                                    

FERISH

"A-AERI..."

Halos hindi ko mabanggit nang diretso ang pangalan niya dahil sa sobrang kaba. Para akong tinakasan ng dugo nang makita siya sa mismong harapan ko na parang kanina pa ako hinihintay at kinatutuwa niyang makita ang reaksyon ko na natakot sa kan'ya.

Nanlalamig ako. Yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig na binibigay niya sa akin na bukod sa sobrang talim at malamig. It felt like I was suddenly trapped inside a freezer. Malamig naman pero ramdam ko ang mga pawis ko na namumuo.

Every second feels like a danger in my system; it is a poison that destroys me as a whole, without the slightest mercy. I have always been proud because I have the confidence, but facing her, once again, made me feel utterly inferior like I am nothing but a dirt in this world.

It felt like an eternity has already passed and she is scrutinizing every piece of my flesh with her piercing stares. I cleared my throat, still nervous that one wrong word and I might enrage her.

"Aeri..." Pabulong na pag-uulit ko makalipas ang ilang minuto na nakatitig lang siya sa akin nang mariin.

Hindi ko gusto ang mga titig niya sa akin na parang sinusukat kung gaano kabigat ang kasalanan na ginawa ko sa kan'ya, kahit alam kong hindi naman iyon gano'n kabigat... sa tingin ko.

Those calm yet ferocious stares is giving me goosebumps in a way that only her stares can do. Parang binabalatan na niya ako nang buhay sa paraan ng pagtingin niya. Gusto ko na lang na maiyak sa sobrang kaba.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Lakas loob na tanong ko dahil mas nababahala ako sa pananahimik niya, kahit na hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

Facing her like this, feels like facing the judge.

"You don't seem to be pleased of seeing me again after two years, Ferish." She answered with a serious and composed tone, emphasizing my name.

Masuyo ang pagkakasabi niya ng bawat salita at kahit gaano pa siya ka-kalmado ay mas kinakabahan ako. Her calmness is what scares me because I would rather see her mad at me, than treat me like this.

Nakita ko ang paghinga niya nang malalim at parang ang bawat galaw na gawin niya ay perpekto, puno ng pag-iingat, at marahan. She gently combed her wavy hair upwards. Her life seems to be lifeless, and her strong features look more... ang ganda niya.

"H-Hindi ko lang inasahan na p-pupunta ka ngayon dito." Pahina nang pahina na sagot ko dahil baka mas lalo siyang magalit kapag may isang maling salita ako na nasabi. She is unpredictable and I am being careful not to trigger any kind of madness from her.

Nasa likod ko lang ang pinto at mabagal siyang sumagot na parang pinag-iisipan muna ang mga sasabihin. Tumingin siya sa cell phone niya, pero binalik ulit ang tingin sa akin. Gusto ko na sanang tumakbo paalis kung hindi lang talaga dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

"Why? Did you expect me to be here while you have Zeri to save you?" Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya, pero nawala rin agad nang magtama ang paningin namin. Naging mapaglaro ang kislap sa mga mata niya. "Of course, I can't let him bother us, yes?"

Anong yes? Ayokong sumang-ayon, at halos maluha ako nang tumango ako sa kan'ya kahit na ayaw ko. 

Prenteng sumandal siya sa kinauupuan at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil ayaw niya namang magpakita ng emosyon. "Are you doing well?" She asked to break the silence between us.

"O-Oo..." Hindi siguradong sagot ko dahil nandito siya. Her presence is suffocating me. Halos hindi ako makahinga.

"You must be. Leaving without saying a single word, right? Believe me, I applaud the bravery."

Ablaze |Season 2| (Under Revision)Where stories live. Discover now