Chapter 73

11.6K 550 233
                                    

FERISH

"B-BAKIT, BABE?" Kinakabahang tanong ko nang makita ang matalim niyang tingin nang salubungin niya ako.

Katatapos lang ng game nila sa volleyball. Nanood ako sa kanila at may dala pa nga akong banner niya kung saan nandoon nakalagay ang malaking picture niya kasama ng team niya, pero mas maliit ang pictures nila dahil hindi ko naman sila kilala. Mas maayos kaysa sa banner na ginawa nila Cj para sa akin.

I still remember that banner where I look like I died.

Ang sama ng tingin niya sa akin. Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-ponytail ang buhok niya at may headband na black. Tumutulo pa ang pawis niya mula sa noo. Maiksi ang suot niyang short at bahagya siyang hinihingal. Why does she look so gorgeous even if she's tired?

At ano na namang ginawa ko? Kabisado ko na ang kurba ng kilay niya kapag naiinis sa akin, at isa ito sa mga panahong 'yon. I can feel her sharp stares, slicing through my skin, skinning me alive.

"Babe, babe, ang sama ng tingin mo," nakangusong reklamo ko at mabilis na yumakap sa kan'ya. "Nag-cheer nga ako ro'n," turo ko sa pinanggalingan kong bleacher. Kasama ko nga ang ate niya kanina pero hindi niya tinapos ang game dahil may pupuntahan pa raw kasama si Rage, 'yung ate ni Summer.

Speaking of Summer, hindi ko siya pinapansin.

"Sino 'yung kausap mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya at kinuha ang tumbler na hawak ko para uminom doon.

Hindi ako nakasagot dahil pinanood ko siyang uminom. Umiinom lang naman siya ng tubig pero napakaganda niya. Binigyan ko rin siya ng bimpo dahil pawis siya. Marami ang mga tao at ang iba ay palabas palang ng gym. Nakita kong may mga gustong lumapit kay Octavia pero napansin na masama ang mood.

Natauhan lang ako nang mahinang pinitik niya ako sa noo. "Sino doon?"

"'Yung babae," she gave me a stoic expression, referring to the girl who talked to me while she's in the game.

"Hindi ko kilala. Taga-ibang school yata," simpleng sagot ko at binigay sa kan'ya ang pamalit niyang damit para makaligo siya. "B-Bakit?"

Bakit ang sama ng tingin niya?

Namaywang siya sa harapan ko. "The girl is obviously flirting with you."

Anong flirting? Chinismis-an lang naman ako nung tao, saka bakit parang sigurado siya sa naging usapan namin, e nandoon siya at naglalaro? Pakiramdam ko tuloy ay alam niya lahat ng gawin ko.

Balik kami sa dati ni Eight. Bati na ulit kami. Nagsusuot pa rin ako ng contact lense na gawa ni tito Tyron kaya hindi masakit sa mata kahit na nakasalamin ako. Ayaw ko kasing makita ng ibang mga tao, pero kapag kami lang ni babe ay tinatanggal ko. Ang parents ko naman ay manonood daw pero sa finals na dahil baka may makakilala sa kanila.

They will attend as my parents and not as Queens.

"Hindi naman, babe. Baka friendly lang," napapaisip na sagot ko.

She massaged her temple, looking stressed. Nakaigting ang panga niya at kung nakakasunog lang ang mga tingin ay baka abo na ako rito. "Bakit may pahampas pa sa balikat mo? I know those kind of stares, Ferish."

"Gusto mo ba, babe, siya hampasin ko?" Nakangiting tanong ko habang nag-iisip. Hampasin ko kaya ng baseball bat?

Pero, mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Kumunot na ang noo niya at muli akong pinitik sa noo kaya nakangusong hinimas ko 'yon habang nakikipagtitigan sa kan'ya. Ginagan'yan niya na naman ako.

Ablaze |Season 2| (Under Revision)Where stories live. Discover now