Chapter 54

12.5K 603 343
                                    

FERISH

I LOVE SLEEPING, but if I have to be awake for a long time just to be able to see Octavia's gorgeous face, feel her comforting presence in my life, and savour each moment with her, then I don't mind doing so.

Maaga ako nagising, pero imbes na mapangiti ako ay kumunot ang noo ko nang walang mayakap na Octavia sa tabi ko. 'Yung teddy bear na lang na malaki ang nandito. Si Blazey. Ngumuso ako at pinanggigilan ang stuff toy dahil magkaamoy sila ni babe. Ang bango.

Maaga pala siyang nagising, pero hindi man lang ako ginising. Parehas naman kaming puyat kagabi dahil late na kami nakauwi.

I yawned. I spread my arms and legs while still lying on the bed. Inaantok pa ako, pero ayokong matulog nang hindi siya nakikita. Minutes of thinking of her and staring into nowhere, I found myself smiling like an idiot. Nakakainis.

I am beyond happy. It is freaking nice to feel the happiness that I have always been seeking for. The happiness that they robbed from me because the responsibility lies within my shoulders. It is the happiness that only Octavia can make me feel. I can survive, but she is what I need to be able to live a life.

How lovely.

I do have feelings for her, even if it may sound unbelievable at first. Hindi ko lang din talaga sa kan'ya masabi. I want her to do it first before I make any kind of decision because I have to be careful; I have to protect what is precious to me.

Bumangon ako at niyakap ulit si Blazey para panggigilan dahil ang bango niya talaga. Yesterday was a bliss. I wouldn't trade what we have for something else. Her happiness is my priority.

It feels so nice to feel the happiness, as though I've been freed from all the torment that I've been through.

Tumayo na ako at nagtungo sa closet para kumuha ng mga damit na isusuot. Maliligo muna ako para i-kiss niya ako. I took off all my clothes and stand naked in front of the shower. Binuksan ko iyon at hinayaan ang tubig na dumaloy sa katawan ko.

A mere shower can never wash my sins. If ever that everything started to fall apart, will I be forgiven by Octavia? Will I be accepted if she happen to see the darkest, most cruel and inhuman side, the most hideous parts of me?

I smiled a little. Everything may be uncertain and risky, but I will still choose her. In a heartbeat.

Nakakabaliw talaga siya.

Nang matapos ako sa pagligo ay nagbihis na ako ng komportable lang na damit at sinuot ang salamin. Sure akong maaga pupunta dito sa Aeri kasi susunduin niya ako dahil nasabi niya sa akin na gusto niya akong makasama ngayong araw. Mahilig pa naman 'yon sa pag-manage ng oras at hindi iyon pwedeng magulo dahil baka maging dinosaur siya. Time is gold para sa kan'ya.

Nagsuot lang ako ng simple. Trousers at red shirt na ni-tuck in ko. Nakakahiya naman kasing kasama si Aeri tapos ako, mukhang alalay niya. Baka pagkamalan pa ng akong alipin niya kung hindi ako magsusuot nang maayos. Hindi na ako nagtali ng buhok at hinayaan na lang na nakaladlad. Hindi naman din kasi sobrang haba, pero inayos ko ang pagkaka-suklay para hindi magulong tignan.

Bumaba na ako sa hagdan at agad nahagip ng paningin ko na nakaupo sa sofa sa sala si babe na mukhang nagbabasa ng... magazine? Hindi naman siya mahilig do'n pero baka trip lang today. Bakit kami may magazine rito? Parang ngayon ko lang iyon nakita.

Mabilis na nagtatakbo ako habang nakangiti nang malaki sa kan'ya. Dinamba ko siya ng yakap at humagikgik. "Hi, babe. Good morning." Masiglang bati ko sa kan'ya, pero hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya kaya naupo ako patagilid sa hita niya. Nakatakip pa rin sa mukha niya 'yung magazine kaya sinilip ko ang mukha niya.

Ablaze |Season 2| (Under Revision)Where stories live. Discover now