Chapter 63

10.2K 503 219
                                    

OCTAVIA

"BABE, BABE."

Hindi ko pinansin si Ferish, hindi dahil sa wala akong pakialam sa kan'ya, kundi dahil kanina niya pa 'yan ginagawa. It is as if she is still full of energy up until this late evening. I gave her a side-eye glance but she didn't seem to mind my stares. Nakakaasar minsan kapag para siyang nang-aasar pero inosente niya akong tinitignan. 

I'm trying to finish all these new projects and proposals sent by my father. Ako raw kasi ang magp-present nito sa harap ng board members dahil may ibang inaasikaso si ate. Aside from that, there's this one stupid groupmate who didn't bother helping us with our project, so the burden was passed to me.

Nakakainis kapag naaalala ko. She has so many excuses, tapos makikita lang namin na gumagala lang kasama ang friends. I took all of assigned task for her because I'm planning to remove her name on our group. Magalit siya? Pakialam ko.

Great.

"Baby, you can sleep na. It's getting late. Wala ka naman na gagawin, 'di ba?" Masutong pagkausap ko sa kan'ya habang hindi inaalis ang tingin sa monitor ng computer, pero siya ay nakasiksik kanina pa sa balikat ko. Kanina niya pa rin ako inaamoy.

"Ayaw ko pa. Sabay tayo." Pangungulit niya. Napahinga ako nang malalim dahil ang kulit niya talaga. Ayaw niyang sumunod sa akin. "Babe, babe ko."

I didn't say anything. Kinuha ko ang phone ko nang may mag-text doon, pero binaba ko rin nang makitang si Tori lang na nag-aaya na gumala bukas. Gumala? In the middle of all these unfinished work, maiisipan niyang gumala?

"Babe, babe."

Tumayo ako sandali nang makitang tapos nang ma-print ang lahat ng nilagay ko. Kinuha ko iyon at ni-stapler. Nang makabalik ako sa kinauupuan ay para akong may pusa na sumiksik na naman sa leeg ko.

"Babe, babe."

Tinigil ko ang ginagawa para bigyan siya ng atensyon dahil pinahaba niya talaga ang pagbanggit doon. Nakasiksik siya sa akin at ayaw niyang umalis sa tabi ko. I narrowed my eyes on her, but she's not even intimidated with the look. Rather, she find it even more amusing that she's starting to get into my nerves. Nakangiti pa siya nang tignan ko na siya.

"Ano ba kasing gusto mo, hmm? Bakit ayaw pa matulog? Susunod naman ako," gigil na pinisil ko siya sa mga pisngi pero ngumuso lang siya. Inayos ko ang suot niyang salamin. Gosh, my baby...

"I want lambing. Hindi mo 'ko pinapansin kanina pa," nakangusong sagot niya. She is not trying to look cute, but damn, she's effortlessly one. "Ako na kasi tatapos niyan bukas. Sleep na tayo, babe. Bad sa health mo ang nagpupuyat."

Yumakap siya sa batok ko kaya wala na akong nagawa dahil naglalambing na sumiksik siya sa akin at ayaw na akong pakawalan. Ayaw niya na rin ipatapos sa akin ang mga gagawin ko.

"Ferish, susunod nga ako. Patapos na rin naman na. Tatabihan naman kita kapag natapos, hmm?" Pag-aalo ko sa kan'ya. I gently caressed her back when she pouted, looking sad.

"Okay," may tono ng lungkot na pagsang-ayon niya at akala ko ay pupunta na siya sa kama, pero hindi. "Dito pa rin ako," pagmamatigas niya kaya napailing na lang ako at tumayo na. Pinatay ko na ang computer at phone ko kaya nagtataka niya akong tinignan.

"What? Come, let's sleep. Kanina ka pa inaantok, 'di ba?" Pag-aaya ko kaya dali-dali siyang nahiga sa kama at hinintay ako na makahiga sa tabi niya.

Napailing ako sa isipan. My Ferish won't be able to live without any attention and affection from me---I am certain with it. Kinuha niya si Blazey at nilagay sa gilid niya para siya ang yakapin ko.

Ablaze |Season 2| (Under Revision)Where stories live. Discover now