Chapter 61

10.3K 536 396
                                    

FERISH

"ANO BA NAMAN kasing kinasasama ng loob mo?" Nagtatakang tanong ni Cj habang busy maglagay ng make up sa tabi ko. Inabutan niya ako ng lemon juice na binili niya para sa akin kaya kinuha ko na. Napagod din naman kasi ako sa debate kanina sa room.

Uminom ako habang salubong ang mga kilay na nakatitig sa malayo. Nagkaroon ng debate kanina sa class namin para raw mas maging interactive ang students, tungkol sa kung ano ang mas importante. Heart daw ba o brain?

"Heart daw mas mahalaga, Cj. Heart." Pagdidiin ko at tinuro ang bandang dibdib niya para idiin ang bagay na tinutukoy. Binalingan ko siya ng tingin at napasimangot lalo dahil ayoko ng gano'ng idea.

Okay naman sana ang mga sagot nila dahil reasonable. Hindi naman sana ako maiinis kung pure science ang pinag-uusapan at based on facts ang sagot nila, pero ang hindi ko lang matanggap ay 'yung sinabing hindi raw kami makakapagmahal kung walang puso.

We are talking about science. Tanggalan ko kaya sila ng utak at sabihin kong magmahal sila? I can never agree that it's because of heart that allows us to love someone. Its function is to pump blood throughout the body, and not to love someone.

Naiintindihan ko naman na ginagamit ang heart sa figurative speech para i-express ang love, pero science kasi ang pinag-uusapan sa amin. It's within the brain, in the hypothalamus.

"Kayo naman ang nanalo sa debate, Perry. Ano pa bang pinaglalaban mo?" Nagtatakang tanong niya nang sulyapan ako. Kumakaway siya sa mga dumadaan dito sa gym pero ako ay nakatingin lang sa malayo. May naglalaro ng basketball pero hindi naman ako interesado.

"Ganito kasi 'yan, Cj. Ang brain ang nagco-control sa lahat. You're as good as dead without a brain. I mean, pareho silang importante. The heart pumps the blood, but without the brain... you wouldn't be able to live. The brain is what makes you able to function and to do what you want," mahabang paliwanag ko at huminga nang malalim. "Don't get it wrong. Magkaiba ang living sa surviving," dagdag ko at ngumuso. "Hindi ba't 'yon daw ang purpose ng life? To be happy? According to philosophers in Greece."

Tinignan niya ako na hindi maipinta ang mukha nang matapos siyang mag-ayos din ng buhok niya. "Pwede bang tama na? Natapos nga 'yung madugong discussion ni sir, nandito ka naman," turo niya sa akin na kanina pa pinaglalaban ang importance ng brain.

"Okay," bumuntong-hininga ako dahil ayaw niya namang makinig sa akin. Hindi ko naman siya masisi dahil pagod na siya sa dami ng gawain niya. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa at nakitang wala pang text si Eight. Baka nasa class pa kaya hintayin ko na lang.

Nagkikilay siya sa harap ng dala niyang salamin. Nandito kami ngayon sa may gym para manood ng naglalaro ng basketball kahit na hindi naman ako interesado. Si Cj lang naman ang may gusto rito dahil sa crush niya raw. Si Summer ay busy naman palagi dahil hindi tumutulong si Rage sa kan'ya. Si Maxi naman ay hindi ko mahanap. Baka tulog ngayon sa may library dahil malamig doon.

"Nga pala, hindi ba't malapit na 'yung Sports Fest natin?" Cj asked when he remembered something. Actually, next week na 'yon.

Ang balita ko nga ay isasabay na rin ang Foundation day sa last day ng Sports Fest para hindi hassle sa iba pang events ng university. Malapit na rin kasi ang midterm examination namin.

"Oo."

"Invited 'yung mga katabing university d'yan," sumenyas siya sa direksyon nung malapit ngang university dito. Public ang iba sa tinutukoy niya. "Pupunta sila rito."

"Sige, pwede naman," humalukipkip ako at nag-dekwatro. Kinuha ko ang dala kong bag at hinanap 'yung dark chocolate na bigay sa akin ni Eight para raw kapag nagutom ako. Lagi niya akong binibigyan ng chocolate kasi alam niya raw na favorite ko. "Gusto mo?" Alok ko sa kan'ya.

Ablaze |Season 2| (Under Revision)Where stories live. Discover now