Kabanata 31
Turn onHindi ko na nakita ang Mama ni Callisto upang personal na makapagpasalamat sa pagpatuloy niya saakin sa bahay nila. Ang sabi ni Callisto saakin ay abala na 'yon sa kanilang kwarto.
"Hindi mo kamukha yung mama mo.." Sambit ko habang nakatitig sa isang family picture nila sa kaniyang kwarto.
Bakit kami napunta sa kwarto niya ay dahil hindi pa daw naayos ang guestroom kaya naman inutusan muna ni Callisto ang isang kasambahay upang ayusin ito.
"No one has her features here. We all looked Galves." Aniya at umupo sa kaniyang kama.
Napatango ako dahil tama siya roon. Sa tabi ng family picture nila ay litrato kasama niya ang kamag-anak. Maliit lang ang angkan nila at puro sila lalaki. May isang babae at mukhang bata pa iyon at nagsusumigaw sa mukha nila ang dugong Galves. Katulad ng mama ni Callisto ay magaganda at mukhang elegante rin ang mga asawa ng kaniyang tito.
Sa pangatlong picture frame nagawi ang tingin ko kung saan litrato namin iyon noong dinala niya ako sa bangin ng bundok. Kung saan ramdam ko ang kaginhawaan at pagiging kuntento sa anong meron kami noon.
Parehas kaming nakatayo habang siya ay yakap-yakap ako mula sa aking likuran. Nakangiti ako habang nakatingala sakaniya habang siya ay nakapikit at kita ang perpektong ngipin sa laki ng ngiti. Natatandaan ko kung paano napunta sa ganoon ang sitwasyon namin. Natatawa kami dahil nahihirapan kaming iset-up ang kamera at paano namin makukuhanan ng maayos ang sarili.
Malungkot ako napangiti at iniwas ang tingin roon. Iyon na rin kasi ang huling sandali na naging masaya kami. Pagkauwi niya galing Maynila ay nagkagulo na ang lahat.
"Maupo ka muna, Mireya.." Pormal na sambit ni Callisto at tinapik ang tabi nito. Hindi ko siya pinansin at pinasadahan na lamang nang tingin ang kaniyang kwarto.
Sa kulay itim at puti lamang naglalaro ang kagamitan at disenyo kaya naman madilim tignan kahit may ilaw na. Hindi na ako nagulat roon dahil ganito ang tipikal na disenyo at ambiance ng kwarto kapag lalaki. Sa bandang kanan ay may drafting table, sa tabi neto ay computer. May maliit na book shelf rin at puro engineering book ang nandoon.
May malaking flat screen TV sa harap ng kama at speaker sa magkabila. Sa tabi neto ay pintuan at sa tingin ko ay ayon ang banyo at nadoon rin ang kaniyang cabinet.
Sa kabilang banda naman ay ang maliit na sofa hindi malayo sa kaniyang kama. Ito ba ang sinasabi niya sofa kung sakaling matutulog ako dito? Sa laki niya ay kalahati lang ng katawan niya ang kasya.
Napatitig ako sa nakaframe na drawing at nakasabit sa taas ng sofa. Iyon ang binigay kong portrait sakaniya ng unang monthsarry namin...
"Mireya?" Napapitlag ako ng nakita kong nakatayo na sa harap ko si Callisto at mukhang kanina pa ako pinapanuod.
Napakurap-kurap ako at mukhang matagal kong natitigan ang portrait niya. Napangiti siya at humalukipkip.
"What you can say about the interior design of my room, Architect? Do you have any suggestions?" Aniya at tinignan ang kabuuan ng kaniyang kwarto.
Umiling ako at bahagyang lumayo sakaniya.
"Maganda. Kahit na madilim kung titignan may mga taong mas kumportable sa hindi gaanong maliwanag. Bukod roon, malaki naman ang bintana mo kaya kung bubuksan mo 'yan ay magbibigay ito ng liwanag. Maganda rin ang pagkapwesto ng bintana mo lalo na't sa hilagang silangan ang pagsikat ng araw mula rito... Maganda ang magiging tanawin mo tuwing umaga dahil kitang-kita mo ang pagsikat ng araw." Paliwanag ko at tinuro ang kaniyang bintana.

BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
General FictionAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...