Kabanata 6

2.5K 113 15
                                    

Kabanata 6
Nanggigil


Agad napalingon si Callisto saakin ng buksan ko ang pinto. Gaya nga ng sinabi niya ay hinintay niya ako.

Napatingin ako sa suot niya. Nakasimpleng v neck t-shirt lang siya at denim jeans pero kahit ganoon ay hindi nakatakas ang kakisigan niya.

"I didn't expect you to come here.." Panimula niya ng tumigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sakaniya at napakunot-noo.

"Uh.. Sorry," Ngiti ko at aambang aalis na nung hinarangan niya ako.

"Bakit ka nagsosorry?" Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa pero nanuot sa aking ilong ang mabangong amoy niya.

"W-wala lang.. Pakiramdam ko kailangan ko humingi ng sorry dahil nandito ako?" Sambit ko at halos mapapikit dahil masyado siyang mabango. Naliligo ba siya ng pabango?

Tumawa siya at umiling. Humalukipkip at pinantay ang mukha saakin dahil hanggang baba niya lang ako.

"Siguro nga." aniya. Nanlaki ang mata ko at naramdaman kong may tumusok na kung ano sa aking dibdib. Alam ko naman hindi ako nababagay sa ganito.

Mas nilapit niya ang kaniyang mukha saakin kaya napaatras ako. Napatingin siya sa aking paa na umatras bago muli sinalubong ang aking mata.

"You distracting men. I don't like it." Bulong niya at marahan hinalikan ang aking pisngi.

Naitulak ko siya dahil sa kaniyang ginawa. Nakangisi na siya habang pinagmamasdan ang mukha ko. Para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari habang ako ay hindi alam kung ano mararamdaman.

Hinalikan niya ako sa pisngi! Bakit niya ginawa iyon? Napapikit ako at ramdam na ramdam ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko. Siguro nga ay rinig na niya rin iyon.

"Mireya!" Napadilat ako at napalingon sa nagtatakang mukha ni Tyrone. Marahas niya akong hinatak palayo kay Callisto na halos madapa ako sa kaniyang dibdib.

"Be gentle dude!" Asik ni Callisto at aambang hahawakan ako ngunit nilagay agad ako ni Tyrone sakaniyang likod.

"You're fucking asshole! What did you do to her?!" Sigaw ni Tyrone at tinulak si Callisto sa dibdib gamit ang isang kamay. Hindi nagpatinag doon si Callisto at lumaki lang ang ngisi.

Para bang lahat ng nagyayari ay nagpapasaya sakaniya.

"Ask Mireya." Lahad niya saakin at tinignan ako sa aking mata. Agad akong nagtago sa likod ni Tyrone at marahan hinatak ang braso niya.

"Tara na Tyrone.. Wala siyang ginawa.." Bulong ko at hinawakan na ang kamay ni Tyrone dahil nakakuyom na iyon. Malalalim na rin ang paghinga niya at mukhang kaunti na lang ay makikipagsuntukan na siya.

Pinagsalikop ni Tyrone ang aming kamay at humarap saakin.

"Let's go.." Bulong niya at mukhang nakakalma na. Napatingin ako kay Callisto na seryoso na ang mukha habang nakatingin lang sa aming mga kamay.

Tahimik kaming tinahak ang daan pabalik sa sofa. Ilan na lang ang nakaupo dahil ang iba ay sumasayaw daw sa dance floor sa may garden ng bahay.

"What did he do?" Tanong ulit ni Tyrone nang makaupo kami. Halata sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Wala.." Iling ko at ngumiti sakaniya. Ayoko nang palakihin pa ang gulong namamagitan sakanila kaya hindi ko sasabihin hinalikan ako sa pisngi.

Napabuntong-hininga siya at kinulong ang aking kamay na hawak-hawak niya sa kaniyang dalawang palad.

"Mireya, galit saakin si Callisto.." Panimula niya. Hindi na ako nagulat doon dahil halata naman na hindi sila nagkakasundo.

"Naagaw ko kasi sakaniya si George noon," Nanlaki ang mata ko.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon