Kabanata 45
Unang PagkakataonMabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang papasok sa hospital kung saan naconfined si nanay. Mag-aalasingko pa lang ng umaga at hindi ko na hinintay na sumikat ang araw. Nang magreply na saakin si Amelia kaninang alas-kwarto kung saan hospital sila ay dali-dali akong nag-ayos.
"Calm down, Mireya." Ani Callisto at pilit ako hinahabol at inaabot ang aking braso upang tumigil ako.
Hindi na ako nakipagtalo kay Callisto ng sabihin niyang sasamahan niya ako sa hospital. Hindi na siya umuwi sa bahay nila at nag book ng sariling kwarto, katabi ng aking hotel room. Hindi ko alam kung katulad ko siya na walang maayos na tulog dahil mukhang gising na siya ng sabihin kong pupunta na akong hospital.
Nakita ko sa malayo ang pamilyar na babae nakatayo hindi kalayuan saamin. Nagtama ang aming mga mata at parang nasa teleserye ay dumaan sa aking memorya ang panahon dinala ko siya sa hospital at kung gaano ako umiyak dahil sa kaniyang kalagayan.
Tipid na ngumiti si Amelia saakin at sinalubong kami. Wala masyadong pinagbago sa aking kapatid bukod sa tangkad at buhok niya. Ang dating kulot niyang buhok ay unat na. Mukhang naabutan niya na rin ang aking tangkad.
"Ate.." Marahan niyang sambit at halos makaramdam ako ng kaginhawan dahil doon.
Napatingin siya kay Callisto at halata sa mukhang ang pagkamangha bago siya magalang na tumango dito.
"Si nanay?" Sambit ko.
Agad naman niya kami giniya sa isang kwarto at sumalubong saamin ang ilan pasyente sa loob. Ang ilang bantay ng pasyente ay tulog habang ang iba ay gising na at naguumagahan.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang nilalagpasan namin ang mga pasyente. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod habang nanlalamig ang mga kamay.
"Nay..." si Amelia na nauuna saamin.
Hindi ko pa masyadong makita si nanay dahil nahaharangan ang kaniyang katawan ng kurtina na nagsisilbing harang sa mga pasyente.
"Saan ka ba galing? Ipagtimpla mo ulit ako nung herbal na..."
Nangilid ang aking mga luha ng napabaling saakin si nanay. Ang kamay na nakaturo kung saan ang mga pagkain at termos ay pumasa ere. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat at binalingan si Amelia, tila tinatanong kung tama ba ang nakikita niya.
Halos manghina ako habang tinitignan si nanay na sobra ang pinayat. May sumisilip ng kalubot sa kaniyang noo at gilid ng mata. Madaming parte ng buhok ay kulay puti na.
"Eya?" Halos mapapikit ako sa sakit at ginhawa na muli kong narinig ang pangalan ko mula sakaniya. Marahan akong tumango at unti-unti lumapit sakaniya.
"Jusko Eya! Ikaw na ba 'yan?" Hindi pa rin siya makapaniwala habang inaabot ako, naghihintay ng yakap.
"Nay, anong nangyari sayo?" Nabasag ang aking boses at sunod-sunod na ang luha habang sinalubong ang kaniyang yakap.
Napapikit ako dahil ngayon ko na lang ulit naramdaman ito. Ramdam ko ang kapayaan mula sa kaniyang yakap. Na sa wakas ay nakauwi na ako.. napunan na ang pusong ilang taon nawala.
Puro iyakan ang nangyari saamin ni nanay. Kahit si Amelia ay tahimik lamang na umiiyak habang pinapanuod kami. Nagpaalam si Callisto na lalabas muna para mabigyan kami ng pagkakataon na makapag-usap.
"Kumusta na ang kalagayan mo, nay?" Tanong ko at pinalis ang mga luha sa aking pisngi.
"Nako, ayos na ako. Alam mo na dala ng katandaan ito pero sa susunod na araw, lalabas na rin ako." Napatango ako at nalaman pneumonia ang sakit ni nanay.
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
General FictionAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...