Wakas
Humagalpak na tawa si Rogan habang kinukwento niya saamin ang kalokohan ginawa kasama ang bago niyang girlfriend. Napapailing na lang ako ngunit natatawa rin.
"Pustahan, isang buwan lang kayo nyan." Ngisi ni Ulises na mahilig pumusta sa mga nagiging babae namin.
Women came and went in our life continually. Lahat ng iyon hindi namin sinseryoso nila Rogan. We're just not up to serious relationship. We're not constant and don't like the idea of commitment. Matatapos lang ang ugnayan kapag nagtanong na ng label ang mga babae saamin.
"She's fun to be with. Wag naman. Mga 1 month and a half." aniya kaya't natawa ulit kami.
We stopped laughing when Pascual interrupted us. Nagpaalam siya at pumunta sa babaeng may dala-dalang libro.
"Mabuti pa si Tyrone, mukhang seryoso dyan sa weird na babae." I frowned and looked at Patrick.
"She's Mireya." not a weird girl you dumbass. Gusto kong idugtong pero pinigilan ko ang sarili.
I silently watched Pascual and Mireya talking to each other. She looked at us and then our eyes met. She has this dark brown eyes and soft, creamy complexion. Her lips was full and sweet looking. Her skin was olive tan that suits her really well.
"Pokpok ka Tyrone!" hirit ni Rogan kay Pascual.
Hindi naintindihan 'yon ni Pascual at kumaway saamin bago kinuha ang libro kay Mireya. Mukhang sasamahan niya ito kung saan man ito pupunta.
Nagtawanan sila at pinakawalan na ng tingin ang dalawa. Ako lang ang nanatiling nanunuod sakanila hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.
I had a crush on her, actually. She's pretty interesting when I first met her in library. Kaya hindi na ako magugulat kung pinopormahan nga siya ni Pascual. Napaka inosenteng babae. Kahit siguro hawakan mo ang kamay niya, hindi niya bibigyan ng malisya 'yon.
"Type rin ba siya ni Mireya?" tanong ko sa mga kasama. Natigilan sila at hindi agad nakuha ang tanong ko. Siguro dahil wala na kila Pascual ang atensyon.
"Ah si Tyrone ba? Ewan lang. Tutor rin daw yan ng nakakabatang kapatid na babae ni Tyrone kaya malapit sila." tumango-tango ako.
"Hoy gago ka! May balak ka ba agawin? Magpupustahan na ba kami?" tanong ni Rogan at tinulak ang aking kanang balikat.
"Don't include her to your stupid games." nagsigawan sila sa sinabi ko at mukhang manghang-mangha sa narinig mula saakin.
I stretched my arms widely while people chanting our names. Huling practice game kaya naman madami ang nanunuod ngayon. Inayos ko ang puting headband na suot. Dinura ang bubble gum sa aking bibig at tinapon sa malapit na basurahan.
Hinanap ng aking mata sa alon ng mga tao si George. When I saw her, she smirked and waved at me. Bwiset. Bakit hindi na lang siya bumalik kay Tyrone ulit?
Pascual and George are dating while we're still together and I don't understand why George saying nonsense things and wants me back. Hindi ba pwedeng magstick na lang siya kay Tyrone? Wala naman kaso saakin 'yon. Wala nga ako pake nung nalaman kong nagdadate sila, masaya pa ako dahil maghihiwalay na kami George.
Nilingon ko si Tyrone na kakampi ko sa huling practice game. Ipapatalo ko 'to. Nabbwiset ako sakanilang dalawa ni George.
At gaya ng gusto ko, natalo kami. Padarag kong inupo ang sarili sa bench at inabot ang aking bottle water. Nagkakagulo na ang mga tao pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pagpunta ni Mireya kay Tryone. Malayo sila saakin kaya hindi ko marinig ang usapan nila.

BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
Ficção GeralAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...