Kabanata 4
GoodSumabay ang mabilis na tibok ng puso ko sa mga sigawan ng mga tao.
Tila bago sa akin ang kabang ito. Iniisip ko kung naramdaman ko na ba ito noon pero hindi pa. Bago at hindi ko maipaliwanag.
Lumayo rin siya saakin ng matapos ang 1st quarter ng laro. Lumapit si Tyrone saakin at inabot ang kaniyang bottled water.
"Are you okay?" Napatingala ako sakaniya at nakita ko ang pag-galaw ng kaniyang adam's apple ng nilagok niya ang tubig na hawak.
"O-oo naman!" Halata ba masyado na kinakabahan ako? At bakit ba ako kinakabahan?
Sumulyap siya kay Callisto na nakangisi lamang habang kausap ang ilan players. Pinaglalaruan niya ang ibabang labi gamit ang kanyang mga daliri at tumatango-tango sa sinasabi ng kausap.
Nakita ko ang inis sa mukha ni Tyrone bago niya binitawan ng tingin si Callisto. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na muli si Tyrone dahil simula na ng 2nd quarter. Nanatiling nakaupo muli si Callisto at ilan minuto ay umusog na naman palapit saakin.
Hindi siya nagsasalita pero kitang-kita ko ang pagpipiggil niya ng ngiti. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil nararamdaman ko na naman ang paghaharumentado ng puso ko.
Natapos ang laro at nanalo ang team ni Tyrone kaya pumapakpak ako ng makalapit siya saakin. Tumawa siya at nakita ko ang pagpula ng mukha niya kaya kinatyawan na naman siya ng mga kateam mate niya.
"Pascual for the win!" Pang-aasar nila at hindi ko rin maiwasan mamula dahil pakiramdam ko iba ang iniisip nila saamin.
Hinanap ng mata ko si Callisto na nakakunot-noo habang nakatitig saakin. Agad akong umiwas ng tingin at pinagtuunan na lang ng pansin ang mga taong nagsisimula ng lumabas sa gym.
Katulad ng pangako ni Tyrone ay inihatid niya nga ako. Tumanggi ako nung una pero masyado siyang mapilit.
"Dito na lang.." Sambit ko ng makita ko na ang maputik na daan papunta sa bahay. May dala siyang kotse kaya mabilis ang naging byahe namin.
"Diyan ka na ba?" Aniya at tinignan ang daanan.
"Ah hindi pa. Maglalakad pa ako ng kaunti dyan.." Turo ko sa lubak na daanan na palagi na lang maputik dahil palaging umuulan nitong mga nakaraang araw.
"Edi samahan na kita hanggang sainyo." Aambang bababa na rin siya ng agad ko siyang pigilan.
"Wag na Tyrone! Nakakahiya na.. Kaya ko naman.. Salamat ah? Ang galing mo kanina." Nginitian ko siya at binuksan na ang pinto ng kaniyang kotse.
"Ingat ka!" Pahabol ko at lumabas na ng kaniyang sasakyan. Kumaway pa ako bago ko isinarado ang pinto.
Ilang sandaling nanatili ang kotse niya sa aking harapan bago niya ito pinaandar. Kahit hindi ko na siya kita sa loob ay kumaway pa rin ako.
Hindi maalis ang ngiti ko habang tinatahak ang daan pauwi saamin. Ang gaan sa pakiramdam kapag naiisip na hindi na ako nag-iisa.
Naabutan ko sila tatay kasama ang mga kaibigan niya na nag-iinuman sa tapat bahay. Hindi na ako nagulat doon dahil madalas na ang pag-iinom nila dito sa bahay.
"Mano po, tay.." Lumapit ako sakaniya pero katulad ng dati ay hindi niya tatanggapin ang kamay ko at hahawiin lang iyon.
"Ang laki mo na Mireya, doon ka pa rin ba nag-aaral?" Tanong saakin ng kumpadre ni tatay na si Mang Toni.
"Opo," Ngiti ko at nagmano rin sakanya at kay Mang Ferdie na tahimik na nanagarilyo.
"Hindi impossibleng makakuha ka ng mayaman na asawa kung ipagpapatuloy mo ang pag-aaral dyan!" Halakhak ni Mang Toni.
![](https://img.wattpad.com/cover/182741066-288-k496245.jpg)
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
Narrativa generaleAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...