Kabanata 44
HipagNapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang aking cellphone sa gitna ng katahimikan namin ni Cairon.
Agad ko iyong tinignan at inakalang si Amelia muli ang tumatawag ngunit ng mabasa ang pangalan ni Callisto ay napatingin agad ako kay Cairon. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at bumaling ang tingin sa aking cellphone.
"Speaking of?" Nanginginig ang mga kamay at nanghihina na ang tuhod.
"Alam ba niyang nandito ka? Akala ko ba hindi niya alam?" Paratang ko kay Cairon. Nakita ko ang gulat niyang ekspresyon at mukhang mas lalong natuwa sa nangyayari.
"Oh? Kapatid ko nga?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Hindi ako nakikipagbiruan Cairon. Bakit tumatawag ang kapatid mo saakin?" Mariin kong tanong.
Hindi naman tumatawag saakin si Callisto at puro text lang ang ginagawa niya.
"I don't have idea. Take his call so you'll know." Prenteng nakaupo si Cairon at ang lahat ay tila normal lang para sakaniya.
Tumigil ang tawag ngunit tumunog ulit ang aking cellphone. Hindi mawala-wala ang ngisi ni Cairon sa kaniyang mukha habang napailing.
"He's so persistence." Kumento niya, bakas sa mukha ang pagkabilib sa kapatid.
Bahagya akong tumalikod kay Cairon at sinagot ang tawag.
"Hi! You're busy huh?" Bungad ni Callisto at rinig ko ang tuwa sa boses. Napahilot ako sa sentido at napamaywang.
"Bakit?" Malamig kong untag. Tahip tahip pa rin ang aking kaba at hindi maalis sa isip na baka may alam na si Callisto tungkol sa anak niya.
"Uh.." Mukhang napansin agad ni Callisto ang lamig ng boses ko kaya ilang segundong natigilan. "I'm just worried. I texted you yesterday and didn't received any message from you."
"Sorry... abala ako kahapon at ngayon..." Binalingan ko si Cairon na sinusuyod ng tingin ang aming bahay habang mahinang sumisipol.
"I see. You should end the call, then." Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko na siya sinagot at binaba na ang tawag, katulad ng sinabi niya. Hinarap ko muli si Cairon na sumisilip sa bandang kusina, siguro'y gustong makita si Kalliesya.
Hindi ko itatago si Kalliesya. Alam kong dadating rin ang araw na kailangan niya makilala ang ama. Kailangan ko lang talaga ng panahon dahil hindi madali ang lahat. Alam kong may mag babago at natatakot ako kung sa maganda o masamang paraan.
Rinig ko ang matinis na boses ng anak mula sa kusina at bago ko pa iyon puntahan ay patakbo itong lumabas habang pilit siyang hinahabol ni Amarah. Humagikhik ang aking anak sa kalokohan at nilingon si Amarah.
"Kalli!" Sigaw ko ng makitang muntik na siyang madapa, kung hindi lang siya naalalayan ni Cairon.
Nakita ko ang pagkabigla ni Kalliesya at tinitigan si Cairon. Tila sinusuri niya ang kaharap. Kalauna'y ngumiti ito at hinaplos ang mukha ng kaniyang tito.
"Thank you!" aniya at agad umalis sa pagkahawak nito at pinuntahan ako.
Napatingin ako kay Cairon na mukhang natigilan sa ginawa ng aking anak.
"Mama, let's play please!"
Takot ako sa pagbabagong mangyayari sa buhay namin ni Kalliesya pero alam kong hindi rin mapapanatag ang kalooban ko kung hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang mga Galves na makilala siya. Karapatan nilang makilala at makasama si Kalliesya. Ang dugo nanalantay sa aking anak ay may dugong Galves. Isa siyang Galves.
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
General FictionAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...