Kabanata 27

2.6K 107 73
                                    

Kabanata 27
Break

Nakaidlip ako sa tricycle at ginigising na lang ako ni Sebastian.

Unti-unti kong idinilat ang aking mata at naaninag ko kaagad ang daan pauwi saamin. Napahawak ako sa aking sentido habang papalabas sa tricycle dahil umiikot pa rin ang aking paningin.

Madilim na ang langit pero kahit na ganon ay maliwanag pa rin ang paligid dahil sa sinag ng buwan.

"Hatid na kita hanggang sainyo.." Napalingon ako kay Sebastian na nakatanaw sa madilim na daanan papunta saamin.

"Hindi na, kaya ko naman na. Pasensya talaga sa abala Sebastian.." Ngayon ko naramdaman ang hiya. Bakit ko ba naisipan uminom?

"Hindi naman nakakaabala. Hayaan mo na ako ihatid ka hanggang sainyo. Mukhang delikado kasi ang daan, nakainom ka pa naman..." Malalim niyang sambit at hindi ko makitaan na kahit anong emosyon. Inayos niya ang salamin na suot at nilingon ang tricycle na nakatigil lang rin.

Wala na si Leonor na kaninang nakaupo sa likod ng driver, siguro ay ang sakanila ang unang nadaanan.

"Tara na, nakakahiya kay manong kung paghihintayin ko pa siya ng matagal." Hatak niya sa saaking braso kaya wala na akong nagawa kundi sumama sakaniya.

Gaya ng inaasahan ko, hirap si Sebastian sa paglalakad. May ilan kasing bato at may parte na maputik. Wala pa kaming gamit na flashlight, iniisip ko tuloy kung paano kapag pabalik na siya.

"Hanggang dito na lang, salamat talaga Sebastian.." Sambit ko ng makita ko sa malayo ang aming bahay.

"Sigurado ka ba? Kaya mo hanggang sainyo?" Natawa ako dahil mukhang unang beses niya akong makitang ganito.

"Oo.. Mas mukha ka pa nga nakainom kaysa saakin. Kanina ka pa nadadapa." Pabiro kong sambit kaya bahagya siyang natawa.

"Kabisadong-kabisado mo talaga ang daan na 'to?" Aniya habang nakatingin sa daan tinahak namin. Para itong unti-unting binabalot ng dilim. Nakakatakot man dumaan kung titignan, alam kong sa gitna noon ay kapayapan ang ibinibigay saakin.

"Oo.." Ngiti ko at tinapik ang kaniyang balikat. "Sige na, mag-ingat ka. Maraming salamat talaga."

"Kaibigan mo ako kaya natural lang ito." Aniya. Naramdaman ko ang pag-init ng aking puso sa kaniyang sinabi. Kahit na hindi kami ganoon nag-uusap ni Sebastian masarap sa pakiramdam na tinuturing niya akong kaibigan.

Tahimik kong pinanuod ang pagbalik ni Sebastian sa daan. Ilang segundo lang at binalot na siya ng dilim sa bilis niyang maglakad. Napabuntong-hininga ako at dumiretso na rin sa bahay.

Kanina lang ay ang saya saya ko dahil sa mga kaklase ko pero ngayon na mag-isa na lang ulit ako, ang lungkot na naman ng pakiramdam ko.

"Nay! Mano po.." Nagulantang ako dahil naghihintay si nanay sa may pinto at hindi ko siya napansin siguro sa lalim rin ng aking iniisip.

"Saan ka galing?" Aniya at inabot ang kamay saakin. Pasimple akong lumayo sa takot na maamoy ni nanay ang alak saakin.

"Kaarawan po kasi ng mama ng kaklase ko at inimbitahan kami. Pasensiya nay kung hindi ako nakapag paalam.." Maingat kong sambit.

Napailing siya kitang kita sa mukha ang pagkadismaya sa aking ginawa.

"Nagbabago ka na at hindi na maganda sa paningin ko..." Malamig niyang sambit bago ako talikuran.

Natigilan ako at para may tumusok na kung ano sa aking puso. Naramdaman ko na lang na pumatak ang aking luha.

Alam ko na mali ang ginawa ko dahil hindi ako nakapagpaalam. Hindi ko naisip na may nag-aalala sakin at naghihintay. Masyado kong inisip ang nararamdaman ko sa nangyayari sa buhay ko at nakakalimutan ko na ang mga responsibilidad ko bilang anak.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon