Kabanata 36
Exhibit
Sabi nila, pagkatapos ng napakaraming dagok at sakit sa buhay mo kapalit nun ay magandang kinabukasan. Na balang-araw magpapasalamat ka sa sarili na hindi ka sumuko, at nagtiwala sa plano Niya.Napatitig ako sa isang malaking painting na ginawa ng kilalang artist sa bansa. Ginuhit niya ang tila totoong mga alon habang sa likod nun ay ang pagsikat ng araw. Tinitigan ko nang maigi kung paano niya nadetalye ang alon, ang ulap na naglalaro sa kulay asul, kahel at puti. Ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid habang nasisinagan ng araw. Pinamagatan niya itong "Pagbangon".
Ang alon ay nagsisimbolo ng problema habang ang pag-sikat ng araw naman ay pag-asa. Siguro kaya niya pinamagatang pagbangon ang painting dahil sa gitna ng pagsubok na kinahaharap ng tao may dahilan kung bakit kailangan natin magpatuloy, kung bibigyan lang natin ang sarili ng pagkakataon na tumingin sa liwanag. Iyon ang pag-unawa ko sa painting niya.
"Huy Mireya!" Napatalon ako sa gulat ng may umakbay saakin. Napatingin ako kay France na nakangiting-aso at mukhang tuwang-tuwa sa aking reaksyon.
"Lagi mo tinitignan 'yan." Aniya at tinignan ang painting sa aming harap.
"Ang ganda kase.." Tumango-tango siya at tinitigan ito.
"Tama ka naman. Parang totoo eh. Nako! Alam kong magiging kasing husay rin natin 'yan!" Napangiti ako sa sinabi ni France at sumang-ayon sa kaniyang sinabi.
Si France ay kaklase at kaintern ko. Noong nanganak ako kay Kalliesya, pinagenroll ako ni Papa dahil gusto nyang makapagtapos ako.
Noong napagtanto kong malabo na akong makabalik kila nanay kasabay nun ang kawalan ko ng pag-asa na makapagtapos ng arkitektura. Lahat ng pangarap na nagawa ko ng nasa La Puerto ako ay naglaho rin. Tila nag simula ako sa umpisa.
Kaya nang nagdedesisyon na ako kung ano ang kursong kukunin ay naisip ko ang aking bagong libangan.
Noong pinagbubuntis ko si Kalliesya, naging libangan ko ang pagpinta. Madami kasing gamit si Papa sa bahay ng mga paintings at nalaman kong nagpipinta rin siya. Hindi na daw niya nagagalaw iyon dahil naging abala sa negosyo nang lumago ito.
Nakahanap ako ng panibagong tahanan sa pagpipinta. Napapahayag ko kasi ang aking damdamin dito. Kaya nabuo ang desisyon kong mag fine arts.
"Ano, sama kaba samin nila Roy? May bagong kainan malapit dito. Try natin kung masarap!"
Ang kinatutuwa ko kay France kahit na alam na niya ang aking sagot ay inaaya niya pa rin ako sa mga lakad nila.
"Kailangan ko na agad umuwi eh." Napaingos siya at inalis ang pagka-akbay saakin.
"Mireya naman eh. Maggraduate na lang tayo hindi ka man namin nakasama!"
Napakabilis ng araw, sinong mag-aakalang ilang buwan na lang ay magtatapos na ako bilang isang fine art student. Tila ang bilis ng apat na taon.
"Pasensiya na talaga."
"Napakaduga mo talaga!" Bahagya akong tinulak ni France sa aking balikat kaya't natawa na lang ako.
Mabait si France at iba kong kaklase. Nagulat pa sila na isa akong Laguero at may anak si Papa. Kilala kasi si Papa sa buong San Santillo dahil halos lahat ng tahian sa aming lugar ay pagmamag-ari niya. Maliit lang rin kasi ang bayan ng San Santillo kaya't halos lahat ay magkakilala.
"Oh mga interns!" Napalingon kami kay Mr. Blancia, isa sa mga may-ari ng museum na pinagiinterns namin at aming propesor sa major subject.
"Sir.." Sabay namin sambit ni France at umayos nang pagkatayo.
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
Fiction généraleAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...