Kabanata 12

2.2K 102 17
                                    

Kabanata 12
Nakakabaliw

Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sa aking paningin ang grupo ni Callisto. Halos habulin ko ang hangin dahil pigil na pigil ko ang paghinga habang nakatingin sakanila.

Nakakahiya!

Iyon ang sigaw ng utak ko pagkatapos ng ilang sandali. Nakita ako ni Callisto sa palengke! Agad kong tinakbo ang karinderya malapit sa pwesto namin at hinanap ang salamin doon.

Namula ako ng makitang ang gulo-gulo ng buhok ko. Ang kintab ng mukha at ang putla ng labi.

Itong araw ko na lang ulit nakita si Callisto dahil nung naghiwalay sila ni Rizalyn ay hindi na muli siya nagpakita sa labas ng school tuwing uwian. Nabalitaan ko na lang ilang linggo nakalipas ay nagkaroon siya ng bagong kasintahan.

"Bakit 'yon, Eya?" Napatingin ako kay Mang Ben na siyang may-ari ng karinderya. Nanunuod siya ng noon time show sa TV ng bigla akong sumulpot.

"Nakisalamin lang ho," Nahihiya kong sambit at agad nagpasalamat.

Matamlay akong bumalik sa aming pwesto. Bakit ako nakaramdam ng lungkot? Ano naman kung nakita niya nga ako na ganito ang aking itsura? Ano naman kung nakita niya akong nagtitinda ng isda?

Napatulala ako saglit at natigilan dahil may isang maliit na tinig ang sumisigaw sa aking isipan. Gusto ko mang isawalang-bahala ay hindi ko magawa.

Nalulungkot ako dahil mas napatunayan na hindi ako nababagay sa katulad ni Callisto. Kahit ilang beses na saaking sinampal nila Rizalyn ang bagay na iyon, iba pa rin pala kapag ikaw mismo ang nakarealize.

Pero bakit ba ako nalulungkot?

"San ka galing?" Tanong saakin ni nanay at mukhang naalimpungatan.

"Nakisalamin lang po," Matamlay kong tinuro ang karinderya ni Mang Ben at umupo katabi ni nanay.

Hindi napansin ni nanay ang pagiging matamlay ko dahil pumikit na muli siya dahil mukhang kulang pa ang naitulog. Napabuntong-hininga na lang ako at tinitigan ang mga isda.

May mahihirap at mayayaman rin kaya sa karagatan?

Pumatak ang alas-singko at nagpaalam na ako kay nanay upang pumunta sa bahay ni Aling Tessie. Kailangan daw kasi ng magrereview sa anak niyang si Jane dahil mag eexam sa malaking paaralan sa Manila. Mukhang sa Manila kasi mag sesenior high itong si Jane dahil nandoon ang tatay niya.

Malapit lang ang bahay nila Aling Tessie sa palengke kaya agad akong nakarating. Sementado ang buong bahay ni Aling Tessie kahit na maliit lang ito.

"Pasok ka Mireya!" Salubong ni Aling Tessie saakin ng maabutan niya akong pinapasadahan ng tingin ang buong bahay.

"Jane! Nandito na ate Mireya mo!" Itinuro niya saakin ang maliit nilang sala kaya agad akong umupo sa L-shape nilang sofa.

"Okay!" Rinig kong sigaw ni Jane galing sa kaniyang kwarto.

"Kukuha lang ako ng merienda," Paalam ni Aling Tessie na kinatango ko.

Tinignan ko ang ilang muwebles sa loob ng bahay. Karamihan ay gawa sa mga kahoy at magandang kurba na nakaukit na nagmistulang disenyo sa kagamitan. Nakita ko rin ang family picture sa gilid ng kanilang flat-screen TV.

Malalaking tiles ang kanilang sahig at malamig sa paa kaya kahit tanghali ay hindi sila nakakaramdam ng init.

"Ma—" Napalingon ako sa binatang bigla na lang pumasok sa bahay. May dala itong bola at pawis na pawis.

Hindi ko maintindihan ang mga lalaki. Ang init init na ng panahon pero panay pa rin ang laro ng basketball. Hindi ba sila naiinitan?

Ilang sandali siyang napatitig saakin bago umiwas ng tingin at kung hindi ako nagkakamali ay medyo namula.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon