Kabanata 28

1.9K 78 21
                                    

Kabanata 28
Tutor

Para akong nabingi sa tatlong salitang narinig ko mula sakaniya. Naiisip ko na 'yon sa mga nagdaang araw na hindi kami nagkausap pero hindi ko akalain na may isasakit at ibibigat pa pala sa inaakala ko kapag nangyari na mismo.

"Pwede b-ba akong b-bumaba?" Iyon ang una kong naisip sabihin pagkatapos ng ilang segundong pananahimik ko. Hindi na alintana sakin ang pagbusina ng van sa likod ng kanyang sasakyan.

"That's how you respond?" Tumango ako at parang wala na maintindihan. Hindi na rin ako makahinga ng maayos at ang nakikita kong solusyon ay ang paglabas sa kotse nya.

Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse ngunit nakalocked ito. Bago pa man ako magsalita ay pinaandar niya na ang kotse.

Ilan sandali ay itinigil niya ang sasakyan. Iginilid niya iyon kaya dumaan na ang van na nasa likod.

"You can go now." Aniya ng mapagtanto ko na iginilid niya lamang pala ang sasakyan. Hindi ko na nagawang magpasalamat at agad na binuksan ang pinto.

Patalikod kong sinarado ang pinto at narinig ko kaagad ang pag-andar ng kotse niya. Hindi ko maiwasan mapahikbi sa sakit. Parang paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang salita na 'yon na kailangan kong takpan ang aking mga tenga para lang hindi marinig 'yon.

Napaupo ako at napaiyak na lamang sa gilid ng kalsada. Nagpapasalamat na walang tao sa paligid at walang sasakyan na dumadaan.

Hindi ako pumasok kinabukasan. Kakaiyak ay sumama ang pakiramdam ko. Buong araw lang tuloy akong nakahiga at hindi bumabangon. Mabuti na lang at hindi nagtatanong si nanay dahil ayoko na lang muna pag-usapan.

Ilang beses ko naman sinabi sa sarili ko na kung aalis siya ay okay lang dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. Ang mahalaga, sa maiksing panahon naramdaman ko ang pagmamahal mula sakaniya. Nakaramdaman ako ng pagmamahal sa taong masyadong mataas para saakin.

"Okay ka lang?" Ilang beses ko na narinig 'to sa mga kaklase ko. Halos lahat ata ng mga kaklase namin ay tinanong ako kung bakit ako absent ng dalawang araw.

Hindi rin kasi sila makapaniwala na lumiban ako sa klase. First time daw iyon saakin.

"Nagkasakit ako eh." Mabuti na nga lang ay medyo maayos na ang aking pakiramdam at nawala na rin ang sakit ko. May kung ano mabigat na lang sa puso ko na alam kong walang gamot na makakapagpawala 'non.

Wala pa masyadong ginagawa sa unang linggo ng pasukan kaya naman ang iba saamin ay hindi pumapasok sa ibang subject. Gusto nga rin nila Felipe kaso ayaw lang talaga nila ako iwan.

"Ay bakla! Kahapon pala hinahanap ka ni Callisto!" Ani Felipe habang tinitirintasan ang aking buhok.

"Bakit daw?" Biglang bumangon ang pag-asa sa puso ko na baka makipagbalikan na siya saakin at nasabi nya lang 'yon dahil sa...

Hindi ko alam. Bakit ba ako umaasa na mahal n'ya pa rin ako? Na espesyal ako sa lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay nya?

"Huh? Hindi naman nya hinahanap si Mireya. Napadaan lang." Ani Glinia at tinitigan ako, tila tinitimbang ang emosyon ko.

"Sabagay magtatanong naman agad satin 'yon." Hagikhik nya. "For sure, siya rin naman ang nag-alaga sa'yo nung nagkasakit ka. Aminin mo na Mireya!" Aniya at sinundot ang aking tagiliran kaya napaigtad ako dahil sa gulat.

Napailing na lang ako at ngumiti. Normal na reaksyon ko tuwing tinutukso ako ni Felipe.

Natapos ang huling klase at unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Natutuwa ako sa mga kalokohan ng mga kaklase kong lalaki, sinasabayan at nakikipagbiruan rin ang aming prof.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon