Kabanata 23

2.2K 91 26
                                    

Kabanata 23
Update

Napaawang ang labi ko pagkatapos kong buksan ang regalong ibinigay saakin ni Callisto.

"Ate, ano 'yan?" Napapitlag ako sa biglaan pagsulpot ni Amelia sa kwarto. Pasimple ko iyong tinakpan ng aking bag at ngumiti.

"Wala naman.." Napataas siya ng kaniyang kilay ngunit hindi na inusisa ang tinatago ko dahil mukhang may hinahanap siya sa kaniyang drawer. Agad naman niya akong iniwan sa kwarto at lumabas habang may dala-dalang damit.

Napatulala ako saglit bago tumayo at siniguradong nakalock na ang pinto. Napabuntong-hininga ako at nilapitan ang regalo at tuluyan sinira ang balot.

Niregaluhan ako ni Callisto ng cellphone. Mamahaling cellphone na katulad ng mga nakikita ko sa mga kaklase ko dati. Malalaki at touchscreen. Hindi ako nakaramdam ng tuwa pero di rin ako makaramdam ng inis o galit. Nablanko ang pag-iisip ko.

Inihatid ako ni Callisto galing kila Rogan kanina at ipinaalala na buksan ko na kaagad ang kaniyang regalo pagkauwi ko. Nagpatuloy ang kasiyahan kila Rogan habang ako ay nagpaalam na kahit para saamin ang party na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kahibangan ginawa ni Callisto. Hindi ko alam kung isa ba 'yon sa mga kalokohan niya.

"Ate!" Tuluyan ko ng itinago ang kahon ng cellphone at hindi na ginawang buksan iyon dahil ibabalik ko naman kay Callisto ang regalo niya.

Hindi ko matatanggap ang ganoong kamahal na bagay at hindi ko rin naman kailangan 'yon.

"Bakit ka naglock ng pinto?" Bungad ni Amelia saakin ng pagbuksan ko siya ng pinto. Dumiretso siya sa kaniyang drawer at may hinalungkat na naman.

"Magbibihis sana ako.." Pagdadahilan ko. Mukha naman siyang naniwala dahil ng lumabas siya ay sinabihan akong maglock na muli at magbihis.

Abala si Amelia dahil nagdala siya ng mga kaklase sa bahay. Mukhang magoovernight saamin at siguro'y pinahiram niya ng damit. Tatlong babae lang naman at mukhang mababait. Gagawa daw sila ng project.

"Nak, musta ang school?" Tanong saakin ni nanay ng magsimula kaming maghapunan. Sa sala na kami ni nanay at Eugune kumain dahil hindi na kami kasya sa hapag-kainan dahil sa dalang kaklase ni Amelia. Wala sa bahay si tatay at mukhang nasa inuman na naman, mukhang walang balak mangisda ngayong gabi.

"Mabuti po. Malapit na po prelims namin." Tumango si nanay at binalingan ang kapatid kong si Eugene.

"Ikaw, sabi saakin ng kaklase mo ay lumiliban ka daw sa klase?" Napakamot ng ulo si Eugene at mukhang iritado dahil sakaniya nabaling ang atensyon ni nanay.

"Hindi 'yon totoo!" Asik niya at nagkunwaring nanunuod ng TV habang kumakain.

"Umayos ka, ang sabi pa saakin ay may kasama kang babae sa may bilyaran at naghahalikan kayo. Gusto mo na ba mag-asawa ha?" Inawat ko si nanay dahil mukhang hindi natuwa sa inakto ni Eugene. Nagdabog kasi at pinadyak ang isang paa.

"Eugene!" Saway ko ngunit tumayo na siya at pumunta sa kusina. Inilagay ang plato sa lababo at pumunta saaming kwarto.

Napailing si nanay at humingi ng pasensya sa mga kaibigan ni Amelia na natigilan sa inakto ng aming kapatid.

Sa gabing iyon ay inisip ko ang away ng kapatid ko at ni nanay. Kahit kailan ay hindi sumasagot o naiinis si Eugene sa mga sinasabi ni nanay kapag pinagsasabihan siya, ngayon lang. Sa paglipas ng panahon tila nagbabago ang ugali ng kapatid ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tumatanda na siya o sa mga kaibigan nakapaligid sakaniya.

Kinabukasan, lahat ng estudyante ay nakatingin saakin. Hindi na bago ngunit hindi pa rin ako sanay. Para bang bawat kibot ko may kumento sila.

"Hi Mireya!" Bati saakin ng isang babae na mukhang kabilang sa alta sosyedad base sa tindig at galaw.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon