Kabanata 14
GustoHindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari. Hindi rin ako makasagot kay nanay ng tanungin niya ako kung ano ang pinag-usapan namin ni Callisto pero alam ko, ramdam niya na sobra akong naapektuhan dahil doon.
Kahit kaunti lang ang naitulog ko, maaga akong umalis sa bahay upang turuan si Janah. Tuwing umaga ang session ko sa kaniya kapag summer dahil may training naman siya pagkahapon.
Isinasali kasi Janah ng kaniyang nanay sa mga swimming competition. Madalas ay sa Isla pa sila pumupunta upang mas masanay si Janah sa tubig.
"Good morning, Janah!" Maligaya kong bati at nginitian si Aling Melissa na naglalaba sa harapan lamang ng kanilang bahay.
"Nako, kanina ka pa hinihintay n'yan!" Ani Aling Melissa at pinunasan ang kamay sa damit. "Mag umagahan ka muna!" Umiling ako ngunit tumalikod na agad siya at pumasok sakanilang bahay.
Sumunod na lang ako at tinabihan si Janah na kauupo lang rin sakanilang sala. Nag-iisang anak si Janah at nasa ibang bansa nagtatrabaho ang ama kaya naibibigay ang mga bagay na gusto niya.
"Ate, may sasabihin ako pero secret lang 'to ah?" Pabulong na sambit ni Janah ng tabihan ko siya.
"Sige, ano ba 'yon?" Nahihiya siyang ngumiti at pinaglaruan ang mga daliri na nakapatong sakaniyang hita bago sumagot.
"May manliligaw na ako!" Excited niyang bulong at agad sinulyapan ang kanilang kusina kung nasaan ang kaniyang ina.
"Ano?" Hindi ako makapaniwala. Grade 5 pa lang si Janah at ang bata niya pa para sa ganitong bagay.
"Ate wag ka maingay please!" Bakas sa mukha niya ang takot na baka sabihin ko iyon sa kaniyang nanay lalo na't hindi ako natuwa sa narinig.
"Ang bata mo pa," Bulong ko pabalik at sakto ang dating ni Aling Melissa na may dalang tinapay at kape.
"Kanina ka pa nyan hinahanap! Miss na miss ka ni Janah!" Natatawang sambit ni Aling Melissa na kinatawa ko na rin bago magpasalamat.
Ilang minuto pa nanatili si Aling Melissa upang sabihin sakin kung gaano siya kasaya sa pagiging valedictorian ko at kung gaano ako magiging matagumpay balang araw. Madaming nagtitiwala na magtatagumpay ako at minsan natatakot ako dahil baka biguin ko lamang sila.
"Ate, salamat!" Ani Janah ng magpaalam na si Aling Melissa upang ipagpatuloy ang nilalabhan.
"Para saan?" Sinimulan kong ayusin ang mga libro pang grade 5 at papel na gagamitin namin ni Janah.
"Hindi mo ako sinumbong," Nguso niya kaya natawa ako.
"Ang bata mo pa para sa ganyan Janah pero hindi naman kita ipapahamak." Yinakap niya ang aking braso.
"Salamat ate! Gusto ko kasi talaga siya kaya nagpaligaw ako," Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig saglit sakaniyang mukha.
"Paano mo nasabing gusto mo na siya?" Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Janah at bahagyang umiwas ng tingin saakin.
"A-ano, hindi a-ako makatulog kakaisip sakaniya!" Aniya at biglang tinakpan ang mukha na para bang nahihiya at the same time, kinikilig.
Napatulala ako sa narinig. Ibig sabihin, gusto ko talaga si Callisto dahil hindi ako makatulog kakaisip sakaniya?
Inalu ko ang sarili na hindi ko gusto si Callisto hanggang sa matapos ang session namin ni Janah. Hindi pwedeng magkagusto ako sakaniya! Alam kong naglalaro lang siya. Hindi kailanman magseseryoso ang katulad ni Callisto. Siguro, dadating ang panahon na 'yon pero impossibleng dahil sakin!
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
General FictionAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...