Kabanata 49

2.3K 98 24
                                    

Kabanata 49
Tito

Hindi nahirapan si Callisto makuha ang tiwala ni Kalliesya at nakapagpalagayan agad sila ng loob. Siguro dahil sa lukso ng dugo? Hindi ko alam. Basta ang mahalaga ramdam kong masaya si Callisto.

Buong maghapon ay naglaro sila ng mga bagong laruan dala ni Callisto. Habang kami naman ni Amarah ay nasa kusina at nag-aasikaso para sa hapunan.

"Hindi mo naikukwento samin ang tatay ni Kalliesya pero may taste ka ha!" Hindi na napigilan sambit ni Amarah habang nag hihiwa ako ng rekados.

Natawa ako doon at napailing.

"Pasensiya na po kung hindi ko siya nabanggit. Hindi ko naman kasi inaasahan mangyayari pa ito." mahina kong sambit.

"Ang alin?" Nagtatakang sambit ni Amarah at tinignan ang pinapalambot na baboy.

"Na magkikita pa kami ni Callisto. Buo na kasi ang loob ko noon na naputol na ang namamagitan saamin.." napabuntong-hininga siya.

"Paano mapuputol kung may anak kayo?" tipid akong ngumiti at hindi naiwasan isipin sila nanay at Papa.

Hindi ba't naputol rin naman ang koneksyon nila kahit meron ako?

"Amarah, sa tingin mo ba minahal ni Papa si nanay?" Natigilan siya sa tanong ko.

"O-oo naman," sambit niya at umiwas ng tingin. "Kaya nga hindi na nakasal 'yang tatay mo dahil nanay mo na lang ang minahal." Halakhak niya habang napapailing at mukhang nagbalik tanaw sakaniyang ala-ala ang nangyari noon.

Maari pala talaga 'yon. Yung manatila ka kahit nakausad na ang isa. Siguro kung hindi nagkrus ang landas namin ni Callisto ay ganoon rin gagawin ko. Mananatili na lang ako at hindi na magpapapasok ng iba. Sapat na kasi sakin ang pagmamahal na meron kami ni Callisto. Oo, madaming sakit at pangamba pero hindi naman mawawala sa relasyon 'yon. Katuwang ng sakit ang saya, kilig, at pagmamahal.

Nung mukha matatapos na kami sa pagluluto ay sinilip ko sila Callisto na nasa sala. Tahimik na silang nanunuod habang nakaupo si Kalliesya sa kandungan ng ama. Halos manghina ako habang pinagmamasdan sila.

Sinubukan kong hindi makagawa ng ingay para hindi sila maabala ngunit hindi pa rin ako nakaligtas sa mga mata ni Callisto. Pinanuod niya ang paglakad ko papunta sa guest room.

Sinilip ko kung maayos na ba ang kwarto niya kahit alam kong nilinis na 'yon ni Amarah. Napatingin ako sa maleta niyang nakakalat sa kama niya at medyo nagulo.

Siguro sa pagmamadali niya kanina na makapagbihis ay hindi na inabala ayusin pa 'yon.

Nilapitan ko ang maleta niya at marahan tinupi ang ilan nagulong damit. Nabaling ang tingin ko sa cabinet at iniisip na ilagay doon para hindi siya mahirapan kumuha ng damit.

Habang nagtutupi ay namula ako sa naisip. Para naman akong asawa kung umakto neto!

Aambang tatayo na ako ng biglang bumukas ang pinto ay nakita ko si Callisto. Napatingin siya sa aking ginagawa at tumaas ang gilid ng labi.

"Uh... Tinignan ko lang kung... kung maayos na ba tutuluyan mo..." nakakahiya lang kasi alam ko naman magarbo at malaki ang kama niya kung iisipin dahil mayaman siya.

Hindi ako mapakali na matutulog siya sa guest room kahit na maayos na 'yon. Pakiramdam ko lang ay nakakahiya patulugin siya sa ganoon kama.

Lumapit siya saakin. Tahimik na isinara ang maleta at binaba sa kama.

"Sorry kung magulo..." Aniya at umupo sa tabi ko.

Gusto ko nang tumayo at umalis na dahil mukhang ayos naman na siya sa kwarto ang kaso nga lang, parang nadikit ako sa kama at hindi ako makatayo. Sabayan pa ng nantitimbang niyang mga tingin.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon