Kabanata 22
MonthsaryHinatid niya ako sa aming classroom pagkatapos namin kumain at napapayag ko siyang huwag na sumama sa aming groupings.
"Pagkatapos ng groupings namin didiretso ako kila Rogan.." Sambit ko upang hindi na talaga siya sumama saakin mamaya.
Hindi naman sa ayaw ko siya makasama, nahihiya lang ako sa mga kaklase ko kung sasama siya. Wala rin naman kasi siyang maitutulong saamin at saglit lang talaga ang groupings na iyon.
"Fine. Mag-iingat ka.." Aniya bago ako pakawalan.
Buong klase ay iniiisip ko kung ano ang suprise na iyon ni Callisto. Ang sabi niya ay kila Rogan gaganapin dahil ayaw ko naman daw makita ako ng magulang niya. Best friend naman daw niya si Rogan at ayos lang daw sa kaibigan na doon ganapin.
"Pinayagan ka ba?" Tanong ni Sebastian saakin ng magdismiss ang huling prof namin sa araw na ito.
"Oo.." Ngiti ko at tinago na ang notebook at ballpen sa bag. Nakita kong tumango si Sebastian kay Jude habang ang ilang kagrupo namin ay nagsilapitan na saamin.
Sabay-sabay kaming lumabas sa school at naghintay ng tricycle. Medyo malayo daw kasi ang bahay nila Jude kaya kailangan talaga namin sumakay.
Yakap-yakap ang bulaklak na galing kay Callisto ay sumakay ako sa loob ng tricycle. Katabi ko si Glinia habang sa harap ko ang isa pa namin kagrupong babae na si Dani. Sa likod naman ng driver sila Sebastian.
Nagpapasalamat ako na puro babae ang naging kagrupo ko at dalawa lang ang lalaki. Nahihirapan kasi talaga ako pakisamahan ang mga kaklase kong lalaki kahit mababait sila.
Napatingin si Glinia sa bulaklak na hawak ko at ngumiti.
"Ang sweet naman ng boyfriend mo," Sambit niya at ngumiti.
"Salamat." Magalang kong sambit at nagulat pa dahil kinausap niya ako. Puro lalaki kasi ang kumakausap saakin at ang ilang babae ay mainit ang ulo saakin. Iniisip kong isa siguro sila sa mga nagkakagusto kay Callisto kaya ganon.
Nakakalungkot nga dahil inaasahan kong magkakaroon na ako ng kaibigan babae pagkatungtong ko ng kolehiyo pero mukhang hindi pa rin talaga. Nakatadhana ata talaga ako maging mag-isa. Nagpapasalamat ako na may kumakausap saakin katulad nila Sebastian.
"Nako, manloloko naman yan!" Sambit ni Dani at marahan humarap saamin. Nagulat ako dahil bigla siyang sumingit sa aming usapan.
"Wag mo nga sirain boyfriend niya Dani!" Ani Glinia at hilaw na napangiti saakin.
"Totoo naman! Niloko niya kaya pinsan ko," Irap niya at tinapunan ng tingin ang bulaklak kong dala.
"Mukha na kayang seryoso si Callisto pati may kasalanan rin naman pinsan mo dahil nakita siyang nakikipaghalikan sa ex niya!" Nanlaki ang mata ko sa narinig habang nanahimik naman na si Dani at tumalikod na saamin.
Nginitian muli ako ni Glinia kaya ngumiti rin ako pabalik. Sa parteng nagloko si Callisto ay hindi na ako nagulat dahil kilala ko siya bilang ganon. Tungkol sa pinsan ni Dani ako nagulat dahil may mga babae rin palang hindi rin nakukuntento.
Nakarating kami sa bahay nila Jude makalipas ng sampung minutong byahe. Mabuti na lang ay madami kami sa tricyle kaya binabaan na nung driver ang pamasahe namin.
"Lalakad tayo ng kaunti, ah." Paalala ni Jude ng lahat kami ay bumaba na sa tricycle.
"Ano? Saan pa ba bahay n'yo?" Taas ang kilay na tanong ni Dani at nakahalukipkip.
"Diyan lang naman! Di ka mapapagod!" Asik ni Jude at napaismid.
Nagsimula na kaming maglakad at tama naman si Jude dahil malapit lang naman sa binabaan namin. Medyo patarik nga lang ang daan papunta sakanila kaya hiningal ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/182741066-288-k496245.jpg)
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
Ficción GeneralAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...