Kabanata 19

2.1K 79 13
                                    

Kabanata 19
Sobra


Kabado ako sa unang araw ng pasukan. Ang excitement na nararamdaman sa nagdaang araw sa paghihintay ng araw na ito ay naglaho. Kabado sa panibagong kaklase, propesor, paligid at sa ideyang kasabay ko si Callisto naglalakad papasok sa trangkahan.

Sinadya niyang maaga pumunta sa bahay upang sunduin ako. Binigyan na siya ng permiso ni nanay na makapunta saamin kaya't wala na akong nagawa ng makita ko siyang naghihintay sa maliit naming sala. Laking pasasalamat ko dahil tulog na si tatay galing sa pangingisda at hindi siya naabutan.

"Yung k-kamay mo.." Bulong ko at marahan inalis ang kamay niya na gumapang sa aking baywang.

May ilan kasing nakatingin saamin, may ilan naman na binabati siya at titignan ako mula ulo hanggang paa at ang ilan ay nagbubulungam.

Mahina siyang tumawa at itinago ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. Inayos ko ang pagsukbit ng aking bag sa aking balikat at pinagmasdan ang paligid.

Unti-unting sumisikat ang araw sa hilagang bahagi at tumatama sa mga puno. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ginhawa sa aking kalooban. Siguro, sa iba ay ordinaryong araw lang ang lunes na ito ngunit saakin ay hindi. Espesyal ang araw na 'to dahil ito ang unang bahagi sa pag-abot ko ng aking pangarap.

"I'll see you later.." Ani Callisto ng mahatid na niya ako sa aking classroom. Nung una ay ayoko dahil nakakahiya at may klase rin sya pero dahil siya si Callisto, hindi siya nagpatinag. Hindi na rin ako umangal pa dahil hindi ko rin alam kung saan ang magiging classroom ko.

"Bakit?" Kumunot ang noo niya at sinilip ang loob ng aming classroom.

"You can seat there.." Turo niya sa pangalawang hilera ng mga upuan. May mga babaeng nakaupo sa bandang iyon na nagbulungan ng makita si Callisto. Hindi niya iyon napansin dahil pinasadahan niya ng tingin ang loob.

"Bakit ba ganitong kurso kinuha mo? Puro lalaki kaklase mo," Reklamo niya at tska tinuon ang tingin saakin.

"You should seat with girls." Umiling na lamang ako at napangiti sa sinabi niya.

"Salamat, sige na pumunta ka na sa klase mo.." Marahan kong tulak sakaniyang balikat at tuluyan ng pumasok sa aming classroom.

Katulad ng sinabi ni Callisto ay doon nga ako tumungo. Ramdam ko ang ilang matang nakatuon sa bawat galaw ko. Medyo tumahimik rin ang mga kaklase ko ng pumasok ako kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"M-may nakaupo na ba dito?" Ngiti ko sa babaeng nakaupo sa katabi ng tinuro ni Callisto.

"Meron na miss." Aniya habang nginunguya ang bubble gum. Isang sulyap saakin at nakipagkwentuhan na muli sa ibang babae katabi niya lang rin.

Naghanap na lamang ako ng ibang mauupuan. Halos lahat ng upuan sa likod ay okupado na kaya't wala akong nagawa kundi sa pinaka unahan pumunta.

Sa may dulo ako naupo at tinignan ang lalaking maari kong katabi sa buong sem. Tahimik lamang siya na nagbabasa ng kung anong libro kaya napangiti ako. Mukhang matino at walang pakialam sa kaniyang paligid. Sana lang ay may makasundo ako dito...

Katulad ng inaasahan sa first day of school, puro introduce yourself pa lang ang nangyari. Ako ang unang nagpakilala sa klase dahil dulo at sa unahan ako. Nakakahiya dahil pautal-utal pa ako ng magpakilala. Pinagtawanan ako ng ilan dahil doon.

"Miss cutie di mo daw ba sasabihin number mo!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likod ng matapos akong magpakilala.

Tipid lamang ako napangiti habang siya ay tinulak ang katabing lalaki at tumawa.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon