Kabanata 17
EnrollmentUnti-unting bumagal ang motor ng maaninag na namin ang daan papunta sa bahay. Hindi na kami nagtagal pa sa mansion dahil iniisip ni Callisto na hinahanap na ako ni nanay.
"Hey.." Lingon niya ng tuluyan niyang itigil ang motor. Mabilis kong hinubad saaking ulo ang helmet na suot.
Nakakahiya nga dahil ako lang ang may helmet, pinipilit ko naman na siya na magsuot dahil siya ang magdadrive ngunit ayaw niya at di na daw niya kailangan.
"I think I owe you an explanation." Tikhim niya at bahagyang humarap saakin.
May dumaan tricycle sa aming gilid kaya natigil siya sa pagsasalita at hinintay na mawala ang ingay na dulot ng makina ng tricycle.
"Paliwanag? Para saan?" Tanong ko na kinaliit ng mata niya at tinitigan ako.
"Hindi ba nagselos ka?" Namula agad ako sa mabilis niyang tanong.
Unti-unti ako nakaramdam ako ng pagsisisi dahil umamin ako at hindi ko napigilan ang sarili.
"Anyway," Aniya ng hindi na ako nakapagsalita at napansin niyang naging balisa ako. "She went here every summer since she moved in Manila when we're in college. We're kinda friends.." Aniya, tinutukoy si George.
"Ex-girlfriend mo siya, diba?" Panghuli ko kaya napaayos siya ng upo at tinitigan ako.
"Well, yes.. But we're really just friends now." Tumango ako kahit pakiramdam ko ay may parte saaking hindi ako naniniwala.
Siguro dahil mapaglaro siya at hindi pa buo ang tiwala ko sakaniya.
"I can introduce you to her if you want." Habol niya at mukhang napansin ang pag aalinlangan ko sa narinig.
"Wag na, hindi mo naman ako girlfriend," Napakunot-noo siya bahagyang tumango-tango bago umiwas ng tingin.
"Hindi pa." Bulong niya.
Bumaba na ako sa motor kaya napatingin muli siya saakin. Tipid akong ngumiti at nagdadalawang-isip pa kung itatanong ko ba ang isang tanong na kanina pa tumatakbo sa isip ko.
"What is it, Mireya?" Sambit niya.
"Siya... ba ang dahilan k-kaya hindi m-mo nahatid?" Agad akong umiwas ng tingin ng umangat ang gilid ng kaniyang labi.
Ipinatong niya ang siko sa isang hita at bahagyang pinaglaruan ang ilalim ng labi habang nakatitig saakin. Namula ako sa ganoon ayos niya ng makita ko ang pagkinang ng kaniyang mata na sumasalim sa liwanag ng buwan.
"Ah wag na nga! Uuwi na ako. Salamat sa pag-hatid." Sambit ko muli ng mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko at titigan lang ako.
Aambang tatalikod na ako ng mabilis niyang nahuli ang aking kamay at hinarap ako sakaniya.
"No, she'll never be a reason. I had to stay on Abuela's mansion for a family matter."
"Bakit mo siya kasama?" Tumaas ang kaniyang kilay sa tanong ko.
"Hindi ko siya kasama. Nagulat na lang ako nandoon na siya." Ngumisi siya at bahagyang ako hinatak papalapit sakaniya.
Hindi ata masasanay ang sistema ko sa presensya ni Callisto. Hindi ako masasanay na sa bawat paglapit niya saakin ay naghuhuramentado ang puso ko.
"I like the fact you felt jealous but I can't stand seeing your face like this." Napakunot-noo ako sa sinabi nya.
Ibang-iba ba ang aura ko ngayon? Halata ba sa mukha ko na nagseselos ako?
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
Ficción GeneralAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...