Kabanata 37
Girlfriend"Ay umuwi na si pogi!" Malungkot na sambit ni France habang lumilinga-linga at hindi matigil kakahanap kay Callisto. Malalim akong napabuntong-hininga nang marinig iyon.
"Wow! Ang lalim n'yan ah! Ano ba iniisip mo at kanina ka pa wala sa sarili?" Tanong ni France at hindi pa rin natigil sa pagtingin-tingin sa paligid. Kulang na lang ay suyudin niya ang buong museum makita lang si Callisto.
"Wala naman. Gusto ko lang umuwi." Kinurot niya ako sa aking tagiliran kaya't napapitlag ako.
"Ikaw ha! Ilang beses ko iniisip bakit uwing-uwi ka. May asawa ka na ba?" Aniya at napangalumbaba habang binibigyan ako ng mapang-asar na tingin.
Nasa tanggapan kami ng musuem at naghihintay na maubos ang oras. Hapon na rin kasi kaya't nagsisilabasan na ang dumadayo dahil malapit na magsara ang museum.
"Wala ah!"
"Eh bakit uwing-uwi ka palagi? Boyfriend? May kinikita kang boyfriend 'noh?" Umiling muli ako ngunit hindi pa rin siya matigil sa pangungulit.
Tumigil lang siya nung dumating si Dale na kainterns rin namin. Nginitian ko siya habang napatikhim naman si France.
"Tawag tayo ni sir sa office niya." Sambit ni Dale saakin at tinanguhan si France.
"Sige, susunod ako." Ngiti kong muli kay Dale. Hindi niya tuloy alam kung aalis na ba siya o hihintayin ako pero kalauna'y umalis na.
"Uy alam mo type ka n'yan ni Dale. Bet mo ba? Ilakad kita gusto mo?" Usosyong sambit ni France nang makalayo na si Dale.
"Hindi ayoko." Mabilis kong sambit at aambang susunod na kay Dale ng hatakin niya ako pabalik sakaniya.
"Eto naman ni-hindi man lang nag-isip! Pag-isipan mo mabuti kasi... Mabait yan si Dale pati magaling rin! Bagay na bagay kayo!" Hagikhik niya at sinundot-sundot ang aking tagiliran.
"Pogi naman si Dale ah. Crush ko nga 'yan nung first year tayo. Talented pa! Ang ganda ng boses girl!" Dagdag m niya pa. Natawa ako sa hysterikal niyang reaksyon. Parang hindi nauubusan ng lakas si France.
"Edi ikaw ilakad ko sakaniya. Bagay rin kayo." Umingos siya at nangalumbaba muli.
"Ikaw nga type ang kulit!" Ilang minuto pa kami nag-tuturuan kung sino ang bagay kay Dale ng bumalik ito at nakakunot-noo.
"Mireya, kanina ka pa hinihintay ni sir." Malamig niyang sambit kaya't agad ko siyang nilapitan.
"Sorry.. Eto na." Namula ako sa kahihiyaan. Si France kasi ang kulit kulit eh. Dinadamay pa ako sa mga kalokohan niya.
Nang makarating sa office ay kinausap kami ni Sir Blancia sa nalalapit na art exhibit. Iniorient niya kami sa gagawin namin at isusuot. Kaming dalawa kasi ang sinali niya sa art exhibit. May limang slot si sir kaya ang tatlo kay Dale at saakin ang dalawa.
"Magsabay na lang kayo papunta sa event." Aniya at binigyan pa kami ng ilang paalala, kung paano makikipag-usap sa possible buyer at paano makihalubilo sa kapwa artist.
Mas lalo tuloy ako naexcite na buong araw ko iniisip 'yon hanggang sa maguwian na.
"Ganda ng ngiti mo ah. Narealize mo ba na bet mo si Dale?" Napakunot-noo ako sa narinig mula kay France.
"Excited ako sa nalalapit na art exihibit eh. Hindi ka kasi sumali.." Nagkibit-balikat siya at sinukbit ang bag.
"Mas art digital talaga ako eh." Sumang-ayon ako doon dahil totoo naman. Magaling nga si France kapag technologies ang gamit. Siya halos ang gumagawa ng mga logo namin sa buong klase sa tuwing may event sa school.
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
Ficção GeralAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...