Kabanata 35

1.8K 76 17
                                    

Kabanata 35
Kalliesya


Madilim na ang langit ng makarating ako sa San Saltillo. Nagpasya akong kumain sa isang karinderya dahil ramdam ko na bibigay na ang katawan ko kung hindi ako kakain o iinom man lang.

Madami ang kumakain sa karinderya kaya naman paroo't-parito ang dalawang batang naghahatid ng mga pagkain. Nagkaroon ako ng pagkakataon magtanong sa isang bata ng dumaan siya sa aking lamesa at nakiusap kung pwede ako makicharge kahit saglit.

"Nako ate! Wala kaming charger sa phone mo eh. Lahat ng cellphone namin android. Wala ka ba dalang sariling charger?" aniya ng nilabas ko pa lang ang aking cellphone.

Umiling ako dahil hindi ko naman alam na iba pala ang charger neto.

Nagpasalamat na lamang ako at kumain. Tinanggal muna sa isipan ang charger at linantakan ang sinigang. Nakailang kanin ako kaya't pabalik-balik na ang bata sa lamesa ko. Gusto ko man magtipid ay hindi ko mapigilan dahil ramdam ko pa rin ang gutom.

Mabuti at may tatlong libo na inilagay si nanay sa aking bag dahil ang perang nasa akin ay baon na natira lang. Meron akong ipon sa bahay kaya siguro'y sasabihin ko na lang kay nanay na kunin na niya 'yon kapag nagkaroon na ako ng pagkakataong makausap siya.

Malamig ang simoy ng hangin na bumalot saakin ng lumabas ako sa karinderya.

"Miss, tricyle!" sigaw ng driver ng tinahak ko ang daan papunta sa terminal ng tricyle.

"Manong alam nyo po ba ang address na ito?" pinakita ko sakanya ang likod ng litratong hawak upang mabasa niya.

"Ah oo alam ko 'yan," aniya kaya't agad akong sumakay.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago kami umalis. Naghintay pa kasi siya ng isang pasahero.

"Sa may kila Mang Gor lang!" Sambit ng binata na sumakay sa likod.

"Madalang ka pumunta dun ah. Pinopormahan mo yung dalagang anak 'noh?" asar ng driver sa binata kaya't nagtawanan sila.

Hindi ko na pinansin ang usapan nila at tinanaw na lang ang aming dinadaanan. Ang San Saltillo ay hindi nalalayo sa itsura ng probinsya. Mapuno, mabundok at malawak ang mga lupain katulad ng La Puerto. May pinaghalong syudad lang dahil na rin may ilan akong nakitang nagtatayuang malaking gusali. Kaunti pa lang naman ngunit siguro'y ilang taon pa ay dadami rin 'yon.

"Ginabi ka ata hija!" aniya ng driver saakin na hindi ko maintindahan dahil sa lakas ng hangin at sa bilis niya magpatakbo.

"Opo!" sagot ko na lang. May mga sinabi pa siya ngunit hindi ko talaga maintindihan kaya't tumatango na lang ako bilang sagot.

Itinigil niya ang tricycle sa tapat ng isang factory. Bago pa man ako magtanong kung ito na ba iyon ay agad na umalis ang driver. Abala sa pakikipag-usap sa binatang sakay.

Napatulala ako sa saglit at nakaramdam ng kaunting kaba.

Kulay kape ang gate at hindi kataasan ito. May nakapaskil na 'Hiring: Sewer, edging, piping' kaya't nakumpirma kong tahian ang factory. Sinilip ko ang ulo dahil nakabukas naman ang gate. Madaming makina, tela at tumpok tumpok na sako. Madilim na sa loob at wala ng manggagawa dahil gabi na rin. Ang ilaw lamang sa paligid ay ang pasilyo na nasa dulo.

"Tao po!" Sinilip ko muli ang loob at naghanap ng tao upang matanungan. May nakita akong maliit na truck na kadalasan ginagamit sa pag-angkat ng mga produkto. Sako sakong damit ang nakalagay roon at mukhang handa na upang ikarga pabayan.

Ilang minuto akong naghintay ngunit wala talagang tao na lumabas. Iniisip kong hindi ako maririnig ng may-ari kung nandito lamang ako sa labas ng gate pero ayoko rin naman pumasok ng tuluyan.

Galves #2: Taming the Wild WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon