Kabanata 15
Selos"Aware ka ba na hindi maganda yung ginawa at sinabi mo?" Tanong ko ng makabawi na sa kahihiyan naramdaman kanina lang.
"Masama na ba magselos? Tss.." Suplado niyang sambit at binitawan ang aking braso ng makarating kami sa isa pang karinderya na medyo malayo sa pwesto namin.
Hindi ko na matagpuan ang salitang pwedeng sagutin sa tanong niya dahil nagsisimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko.
"Kanino mo 'to nalaman?" Pagbabago ko ng usapan habang nagsisimula na siyang mag-order ng kakainin.
"Nadaanan ko lang kanina." Sagot niya at binalingan muli ang babaeng ni-hindi tinago kung gaano siya kamangha sa kaharap.
Tahimik na lamang ako naghanap ng mauupuan at hinayaan siya sa gustong kainin tutal ay kumain naman na ako at sasamahan ko lang siya.
"Hey.." Tawag ni Callisto saakin at umupo sa tabing upuan ko. Nilapag niya ang dalawang plato, kutsara't tinidor at plastic na baso na dala.
"Hindi ka ba nasisikipan?" Tanong ko at bahagyang inilayo ang upuan sakaniya pero dahil pader na ang kabilang gilid ko ay kaunti lang naiusog ko.
"Hindi naman Eya," Ngisi niya at umusog muli palapit saakin. Nagkadikit ang balikat at braso namin sa ginawa niya. Naramdaman ko agad ang balahibo niya sa braso kaya tinignan ko iyon.
"Anong Eya?" Madalas ay mga kaibigan ni nanay at si nanay lang ang tumatawag saakin nun. Puro Mireya na ang tawag saakin sa school.
"Ayaw mo ba? Edi sige ano na lang," Pinutol niya ang sasabihin at nanahimik, nag-iisip ng bagong itatawag saakin.
Napailing ako at hindi ko maiwasang abutin ang isang balahibo niya at hatakin 'yon.
"Aray!" Natatawa niyang sambit at tinignan ako. Agad ko namang tinago ang kamay sa ilalim ng mesa at nagkunwaring nanunuod sa maliit na TV ng karinderya.
"You can do it again if you want.." Mapang-akit niyang bulong kaya napairap na lang ako at tinignan ang braso niya sa parte kung saan ko hinatak ang isa niyang balahibo.
"Ayoko na." Iwas ko muli ng tingin.
"Okay, Mireya.." Kibit-balikat niya at napatingin sa papalapit na babaeng may dala ng ulam at kanin.
Napakunot-noo ako dahil buong pangalan ko ang itinawag niya. Siguro ay wala talaga siyang naisip na panibagong nickname ko.
Pero ano naman masama kung tatawagin niya rin akong Eya, diba?
"Pasensiya na sir, nagsaing pa po kasi kaya natagalan." Paliwanag ng babae habang nagsisimulang maglapag ng mga ulam.
Napaawang ang labi ko habang tinignan ang mga ulam na inorder ni Callisto. Apat na putahe iyon kaya agad akong nagcompute sa isip kung magkano ang ibabayad ko.
"That's fine." Matigas niyang ingles na kinamula ng babae at nahihiyang ngumiti.
"Okay po sir. Enjoy eating po!" Hagikhik niya bago tuluyan lumayo saamin ngunit hindi naalis ang tingin kay Callisto.
Napatingin tuloy ako kay Callisto na abala na sa pag-kuha ng kanin at ulam.
"Here." Aniya at nilapag ang platong hawak sa harap ko. Nanlaki ang mata ko dahil ang daming kanin ang inilagay niya at mukhang ganito karami ang kinakain ni tatay.
"Ang dami hindi ko kayang ubusin 'to." Iling ko at linagyan ang ilang kanin sa kaniyang plato.
Busog na nga ako dahil madami rin inihain saakin si Aling Melissa kanina. Nakakahiya naman kasi na hindi ko yayain si Callisto kumain pagkatapos niya kami tulungan magtinda.
![](https://img.wattpad.com/cover/182741066-288-k496245.jpg)
BINABASA MO ANG
Galves #2: Taming the Wild Wind
General FictionAng buhay ni Mireya Alice Viorel ay tumatakbo lamang sa dalawang bagay; pamilya at sarili. Hinahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya makapagtapos lang siya. Gagawin niya ang lahat upang maiangat lamang ang pamilya sa kahirapan. Ngun...