CHAPTER 33: Almost

1.7K 117 10
                                    

Dos' POV

Ang hirap mang-asar, nakakabutas ng bulsa.

"Uy! Uy! Gusto ko no'n.", inis akong napalingon ako kay Austin nang hilain nya ang gilid ng damit ko.

Kakatanggap ko pa lang pinabili n'yang potato spirals, may itinuturo nanaman s'yang bago. Binayaran ko muna ang tindera bago inabot sa kanya ang binili.

"Ubusin mo muna 'yan. Turo ka ng turo.", halos ingudgod ko sa kanya ang binili, agad namang nabura ang ngiti sa labi n'ya at padabog na tinanggap ang pagkain.

"Salamat ha!", sarkastikong tugon n'ya, pinanlakihan pa 'ko ng mata. Napairap ako.

Tss. Ungrateful bastard. -_-

Naglakad ako papunta sa kabilang stall para bumili naman ng gusto ko. Napahinto ako nang maramdaman ang dulo ng sapatos n'ya sa likod ng binti ko. Kunot noo akong napalingon sa kanya.

"Did you just kick me?", gulat na tanong ko. Hindi makapaniwala sa ginawa n'ya.

T*ng*na ang kapal talaga ng mukha!

"Hindi kita makalabit, puno na kamay ko eh.", ngumiti pa talaga s'ya saka pinakita sa'kin ang hawak na potato spirals at ice cream sa magkabilang kamay. "Alangan naman tusukin kita nito.", he even pointed the stick at me. I scoffed.

This son of a--!

"Ayun.", ngumuso s'ya sa gilid, napatingin din ako do'n pero hindi ko alam kung alin sa mga magkakatabing stall ang tinutukoy n'ya. "Last na lang, pramis."

I let out a deep sigh at shook my head off. "You're unbelievable."

"Ay! Bilib me! mauubos ko 'yan!",

"Tsk!", muli akong napalingon sa nginuso n'ya kanina. "Where?"

Agad na lumiwanag ang mukha n'ya at dali-daling naglakad sa kabilang side stall. Nalaglag ang panga ko nang huminto s'ya sa isang chicken stall.

"It's not even lunch yet."

"Oo, alam ko."

Napailing ako. I can't with this gay! Hindi ko alam kung pano n'ya pinagkakasya lahat ng 'to sa maliit na sikmura n'ya. Ang dami nga kumain pero payatot pa din.

"Which one?", I asked while looking at the menu.

"Yun!", he pointed at the chicken poppers with a stick. Gulat akong napalingon sa kanya.

He already finished that long potato?! But I just bought that!

Suddenly, I got curious on how much food can he actually eat. If he's going to test the limit of my credit card, might as well test the limit of his stomach too.

"Chicken poppers. Lahat ng flavor.", I ordered.

"Ah, assorted sir?", the guy inside the stall asked.

"No. Three box of Chicken poppers. Different flavors, and one Cherry lemonade.", paglilinaw ko. Agad namang tumango ang lalaki at tumalikod sa'min.

"Wow, gutom ka?"

The hell?!

I don't know if he's really clueless or he's actually trying to insult me. I faked a smile at him.

"Hindi. Pero ikaw mukhang oo.", sarkastikong sagot ko. Napangiwi s'ya.

In just 10 minutes, we brought 3 different flavors of chicken poppers, two corndogs, 2 servings of nachos, a box of takoyaki, 2 ice creams, onion rings, a box of munchkin donuts, a pink lemonade, a box of brownies, 2 souffle pancakes, and I think I'm gonna have a heart attack.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon