Chapter 42: Who are they?

1.3K 94 21
                                    

Dos' POV

*PAK!

"Aw! What the f--"

Agad akong napahawak sa ulo ko nang may humampas sa'kin ng kung ano. Inis kong nilingon ang matandang hukluban, hawak ang makapal na nakarolyong papel.

"Tataguan mo pa 'kong bata ka! Alam mo bang kahapon pa nangangati ang kamay ko na mahampas ka?!", Hindi n'ya man lang ako hinintay na maka-upo, pagkapasok ko eto agad ang ibubungad n'ya sa'kin.

"Tss." Napahimas ako sa ulo saka inis s'yang siniringan ng tingin. "Nakalimutan mo atang teacher ka, gusto mong kasuhan kita?"

"I'm not just a teacher. I am the head of the Disciplinary committee. Hindi mo ko makakasuhan sa pagdidisiplina sa'yo."

Napairap ako, sinukbit ang magkabilang kamay sa bulsa habang naglalakad palapit sa desk n'ya, umupo sa upuang nasa harap ng mesa n'ya.

"Have a seat.", I sarcastically added, presenting her own swivel chair.

Napailing s'ya saka naglalakad palapit sa mesa. Padabog n'yang nilapag ang hawak na papel sa ibabaw nito bago umupo.

"That was outside the school premises, and your jurisdiction. Bakit mo ko pinatawag dito?", I asked in a plain tone, reading her name engraved on the desk nameplate.

Hermenia Athena Duran
Disciplinary Committee Chairperson

Ah, so that's actually her first name... Hermenia. I used to call her Athena because that's how everyone addresses her.

"Thanks to you, kahapon ng madaling araw lang nakalabas ng ospital si Dean Suares.", sarkastikong tugon n'ya. Hindi ko napigilang umismid.

"Ano namang ginawa n'ya do'n? Nagpa-aircon?", pamimilosopo ko.

Athena and I talked about my so called father's, sudden decision in funding this year's Inter-High despite knowing that it will be held in Reese. We know that he purposely did that to rub our past off my face, and even made the most of the event to give me a warning, by sending those d*mn bikers.

While talking about how thick-faced my father was to squander my money against me, we discovered another secret of the Suares.

* * * * * Flashback * * * * *

Napakunot ako nang makita ang sari-saring litrato ng isang burol at libing, pero ang mas ipinagtataka ko ay nang makita sino ang patay.

Dean Suares

May mga iilang litrato pa ng mga taong dumalo sa lamay, pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.

So, it was a secret funeral.

Kaya pala wala man lang kaming narinig na balita tungkol sa pagkawala n'ya o kung ano man ang naging dahilan ng pagkamatay nya, dahil 'pag nagkataon...

Tyak hahalak-hak na parang demonyo ang 'tatay' ko.

Magkalaban man ang Reese at Max dahil sa malaking issue-ng naganap sa pagitan naming tatlo at nila Ian, hindi ko maiiwasang mangamba ngayong wala na ang Dean.

Kaya pala naglakas loob na ulit silang magparamdam sa loob ng ilang taon, dahil wala nang sasaway sa kanila. Ngayon sigurado na 'kong nakaplano na sila at ano mang oras ay pwedi kaming mapahamak...kahit sa loob pa nitong school.

"Dean Suares died 5 months ago. His remaining family members; Cian Elios Suares and Envious Claire Suares didn't let this information out in the public. Instead, they decided to use their inherits to pay this 'Bill Sales' to replace the Dean's position and pretend to be the original Dean Suares.", report n'ya habang tinitignan ko ang litrato ng isang may edad na lalaki. Kumunot ang noo ko nang may mapansin.

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon