CHAPTER 49: Affairs

1.3K 92 14
                                    



Drake's POV

Nakangiti ako habang binabasa ang convo nila sa bagong GC na ginawa ni Eros. Mga nagtatalo tungkol sa mga kinilos ni Dos kaninang umaga. Hindi ko inalis ang paningin sa screen habang kumakain ng baked lasagna galing kay tita Hazel-mommy ni Dos. Pinahatid dito kanina.

Matthew:

That can't be. This just feels so wrong.

Walang mali sa pagmamahal pre. HAHAHA

Forth:

Baka sobrang init lang ng ulo kaya namula. Kanina pa badmood yun eh.

Klyde:

HAHAHA!

Eros:

Wag nyo nang ideny. Halata namang nahuhulog na si Dos kay Austin eh!

Hahaha gago!

Wes:

Wag nga kayong magbulag-bulagan, para namang hindi kayo naka-experience ma-inlove.

Xeon:

So tama nga yung chismis? Edi hindi na straight si Dos?

Clinton:

Ano naman kung hindi?

Eros:

Oh diba! Kahit si Clinton boto kay Dos! HAHAHA

Clinton:

Manahimik ka Rent! Alam ko ikaw 'yan.

Nakikigamit ka nanaman ng cellphone, ibalik mo nga yan!

Forth:

Gago! Kaya pala parang iba yung typings.

Bumili ka na ng cellphone.

Mahiya ka kay Eros!

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo.", napalingon ako kay Dos na lumabas ng kwarto. Kakatapos lang maligo at nakabihis na, pinupunasan na lang ang basang buhok n'ya.

"Mm?! Saan? Anong meron?", sunod-sunod na tanong ko kahit puno pa ang bunganga.

"Someone wants to give an information about Ian.", sagot n'ya saka naupo sa couch at nilipat ang chanel.

"Sure ka ba d'yan? Baka mamaya trap 'yan ah.", medyo nabahalang tanong ko, saka muling sumubo ng lasagna. "Kaka-pakulong pa lang na'tin dun sa three kings, baka mamaya isa pala 'yan sa myembro nila. Gumawa lang ng paraan para magantihan tayo."

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon