February 6, 20xx
Para sa isang puting papel,
Hearts everywhere. Glitters everywhere.
Grabe, ang gay!
Tinugtog ko yung pangarap lang kita ng Parokya. Alam mo ba yun Ma'am!? Ikaw lang naman kasi ang makakabasa nito. Haha!
As usual, nagulat sila kasi ang akala nilang serious at tahimik na lalake ay may romansa pala. Ang korni! Sa gwapo kong 'to! :D Akala lang nila yun.
'Di naman ako serious na nangangain kapag nakikilala mo. Oo ikaw. Ikaw na nanuod habang naggigitara ako kanina. Ang bobo lang kasi namali ako ng pluck ng string nung tinitigan kita. Pakingtape. Nakakahiya.
Sumabay din yung ibang babaeng kaklase ko sa part nung babae. Yung iba kinilig. Mga mukhang janitor fish. Joke lang!
"Si Miles lumalablayp!"
"Whooooo! Sino yan! Pakilala na!"
Ang imba ng mga kaklase ko. Pero wala nang mas gaganda pa sa pag-ngiti n'ya sakin nung natapos na 'ko. And then she mouthed the words, "Ang galing mo."
PS: 100 ako sa journal ko panigurado. Kikiligin si Ma'am sa mga nakalagay dito. Hahaha!
Gwapong-gwapo at ubod ng talino,
Milya :D
BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
Historia CortaAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.