February 3, 20xx
Para sa isang puting papel,
Napagalitan ako ni Ma'am. Sayang daw ang talinong binigay sakin ni Lord kung ganito lang ang pinaglalagay ko. Iiyak na ba ko? Ha! At least gwapo.
"Mr. Sta.Elena! Journal is about you! Your experiences that had happened in a day! Your thoughts! Your life! Kung puro sakin lang naman ang ilalagay mo rito, eh di sana kinausap mo na lang ako diba? This is your last chance. Kahit minor lang ang subject kong 'to, someday, you'll thank me."
O diba, mala-MMK. Daig pa si Ate Charo. Ang mas matindi, naalala ko! :D
Anyway, last na raw e. Sige, magseseryoso na ko.
...
Hindi bagay! Ang korni bwisit! Sa gwapo kong to?
Eto na, eto na. Baka kasi makita ko na namang dragon si Ma'am. Joke lang!
Dumaan pala ako sa hallway nila. Hindi kasi kami magkaklase sa ibang subject. Nakita ko sya. Nakita rin nya ko... sabay lakad ng mabilis.
Pakingtape. Ang ganda nya talaga.
Gwapong-gwapo at ubod ng talino,
Milya
BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
Short StoryAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.