Miles #2

171 14 3
                                    

Miles

Ang sama ng gising ko.

Bwiset. Umagang-umaga may nakayakap na kumag sakin. Sarap ng tulog ha. Parang walang ginawang kasalanan.

"Oy, Kit. Gising na. Dun ka sa kama mo."

Walang imik. Aysh! Yung kagwapuhan ko baka mahawaan sya. Mahirap na. Hahahaha!

"Oy, Kit!"

"Ano..." sabay hikab ng mokong. "...aga-aga e."

"Kapag hindi ka bumangon, may gusto ko talaga sakin. Hwag mo nga akong yakapin! Alis na! Mapasa pa sayo yung kagwapuhan ko! Baka akala mo nakalimutan ko na yung kasalanan mo!"

Maya-maya tumayo na rin sya habang nagkukusot ng mata. Minsan talaga parang bata to.

"Kagabi pa nga ako sorry ng sorry di ba!? At tsaka, wow ha. Sabihin mo yan sa mga bading jan sa kanto. As if, mas gwapo ka sakin. ASA."

"Gago."

"Mas gago ka. Torpe alert! Torpe alert! Hahahahaha! Akala mo babae! Hahahahaha!"

Binatukan ko nga.

"Aray naman!"

"Bayad mo yan sa pagbabasa ng journal ko."

"Shet pre! Journal!? Hahahaha! Para san ba yun!? Infairness, pwede nang ibigay kay Ate Charo."

"Gago. Sa isang subject namin yun. Tsaka, wag ka ngang nangengealam ng gamit ko. Yung facial mask o kung anong kaartehan mo nga jan sa mukha mo, di ko pinapakealaman."

"Iba na pag habulin ng babae. Wahahaha! Pero seriously, bakit ayaw mong lapitan si Skye. Napapansin nyang hindi mo raw sya pinapansin sa parehas nyong klase, tinry ka nyang lapitan ulit pero ayaw mo. Hirap sayo pre, ayaw mong makinig."

Hindi naman ako umiiwas. At hindi rin ako babae kung makaasta. Psh! Sa gwapo kong to!

"Ayaw ko lang silang pakealaman ni Bruce. Kita mo yung umamin? Lakas maka-sindikato sa laki ng katawan. Model pa. Ako, gwapo at matalino lang."

Pumunta muna si Kit sa kusina ng dorm namin at nagdala ng mainit na kape para sa kanya lang. Tingnan mo to, hindi man lang ako magawang bigyan.  Wala talaga tong pakialam kapag may kasalanan.

"Yun na nga e." pagpapatuloy nya sabay higop sa kape nya at ayos ng buhok.

"Matalino ka tapos ganyan ka mag-isip. Bobo lang, fre?"

Maka-intense ng pre akala mo love guru na e. Psh! Oo na! Oo na! Minsan talaga tong lalakeng to, sinasapian ng maligno.

"Nauna akong umuwi nung birthday nya diba, malay ko ba kung anong meron at lumalapit sya. Hindi naman kami close talaga." balik ko sa kanya.

Tumayo na sya at kinuha yung tuwalya nyang nakasabit.

"Ulul. Ewan ko sayo, Miles. Minsan nagtataka talaga ako kung bakit hindi na lang sakin binigay ni Lord yang talino mo, isip lang nakikinabang e. Hindi umaabot hanggang puso."

Sinapian na nga sya ng maligno.

Pagkatapos nyang sabihin yun, dumeretso na sya sa banyo. Habang ako, eto, humiga na lang sa kama at pumikit. Narinig kong bumukas ulit yung pinto at sinilip yun ng isa kong mata. Nakita ko si Kit, ulo lang ang nakalabas sa pintuan.

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon