Entry #17

105 10 0
                                    

February 17, 20xx

Para sa isang puting papel,

Nakauwi na ko ng bahay. Last exam bukas pero hindi pa rin ako mapakali gawa sa nangyari kanina.

Bwiset.

Wala na kong masusulat sa journal na to Ma'am! Bwahahaha! Taken na sya e. Pano na ko. Laslas na lang? Joke. Mahal ko buhay ko. Ang gwapo ko kaya.

Umamin ako sa kanya. Pero hindi nya narinig. Lagi na lang ganun. Totoo pa lang nangyayari sayo yung sa mga nababasa mo.

Pero gago lang Miles? Wala naman syang sinabi na taken sya. Ang sabi lang nya, may namumukhaan daw sya sayo. Oo. GANON.

Pero, pakingtape naman e! Na-curious tuloy ako bigla. Tapos nandito na rin si Kit pero tulog na kaya hindi ko makausap. At buti na lang tulog sya para hindi nya makita ang bugbog kong mukha.

Kinapa ko yung bukol ko. Ang laki tapos ang sakit. Pwede po bang exempted na ko sa exam Ma'am? Matalino naman na ko e. Pero pakiramdam ko kanina, namatay yung iba kong neurons. Ang tigas pala ng bungo ng lalakeng yun.

Pero Ma'am! Mabait ako! Nakipag-away lang ako kasi sinasaktan yung babaeng mahal ko! Mehehehe. Knight in shining armor ako e.

Kaso kanina pa masakit yung ulo ko. Inaantok nga ako e. Pero ayaw ko talaga matulog. Pero kasi ang bigat na ng mata ko.

Pipikit na muna ako. 

Miles

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon