Entry #15

100 10 0
                                    

February 15, 20xx


Para sa isang puting papel,

Hindi ako nakauwi kina mama ngayon. Ayaw ako pauwiin. :( Hahahahaha! Joke. Sinabi ko kasing kagagaling ko lang sa sakit nung tumawag sya e sabi nya, baka mabinat lang ako kaya next week na lang daw.

Naikwento ko rin sa kanya si Skye. Wahahaha! O yan na Ma'am ha! Binunyag ko na! Yung asungot ko kasing dorm mate e ang ingay ng kamay.

Gusto daw nyang makilala. Waaaaaa! Nakakakilig naman. Gay. Hahaha!

Hindi ko pa nga naaamin sa kanya. Well, mukha naman kasing alam na nya. Sasabihin ko pa ba? Aysh. Ang hirap naman oh.

Sasabihin? Hindi? Sasabihin? Hindi? Makakuha nga ng bulaklak, titingnan ko kung anong matitira. Psh! Ambwiset. Korni.

Exam na bukas. Kailangan magreview.

Pero hindi ako makareview ng maayos. Kasi nung pagpasok ko sa kwarto ko kanina para magpalit ng damit, nakita kong may stick note sa lamp shade ko.

Yung number nya. Binigay nya sakin. Tapos hindi ko pa makalimutan yung note.

"Itext mo ko kapag magaling ka na. :) – Skye."

Pakingtape. Pusang kinalbo.

Gwapong-gwapo at ubod ng talino kaya no need magreview,

Miles.

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon