February 19, 20xx | 10:00 am
******** Medical Hospital
Kit
Hanggang ngayon, tulog pa rin sya. Naman, Miles e! Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo habang wala ako!? Nakita ko pang bugbog yung mukha nya! Baka na-hazing na tong ugok na to! Kaso wala namang pasa sa hita kaya hindi rin. Aaaaaaaysh!
Naalala ko na naman yung kahapon. May pasok kasi ako kahapon at nakita ko syang tulog sa desk nya. Nagtaka nga ako e kasi karaniwan, kapag bubuksan ko yung kwarto nya, laging nasa kama yun. Pero kahapon, hindi. Sumigaw ako ng alis na ko pero hindi sya umimik. Karaniwan, tinataas nya yung kamay nya o kaya sumasagot sya kahit tulog pero nun, hindi. Akala ko natulog mantika lang.
10:45pm na ko nakauwi nun. Akala ko, madadatnan ko syang nasa sala o kaya nasa terrace at naggigitara pero nagtaka na ko nung naabutan ko pa rin sya sa ganung pwesto at ganung porma tapos yung nakakapagtaka rin lalo yung sakit ng ulo thingy na sinulat nya sa journal slash project-kuno nya.
FLASHBACK
"Uy Miles."
Aysh. Tulog mantika naman oh. Ngayon lang nangyari to. Argh! Makuha nga yung journal nito at mabasa. Wahaha!
"Oy, Milya. Kapag hindi ka gumising, babasahin ko talaga to at susulatan ulit. Hoy. Hindi na ko natutuwa. Sige ka, babasahin ko na talaga to."
Tiningnan ko yung huli nyang sinulat at nagtaka ako nung mabasa yung sulat nya na: Tapos kanina pa masakit yung ulo ko. Inaantok nga ako e. Pero ayaw ko talaga matulog. Pero kasi ang bigat na ng mata ko.
"Miles." Sabi ko sa kanya. Sinigawan ko pa nga sya sa tenga pero walang imik.
Doon na ko nagsimulang kabahan. Lalo na nung sinubukan ko na syang igalaw pero wala pa rin syang reaksyon. Tulog lang.
"Shit naman Miles e! Wag mo kong takutin!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko muna si Skye dahil kasama sya sa sinulat ni Miles sa bagong entry nya. Naka-ilang ring pero hindi sumasagot.
"Pakingtape ang bwiset."
Sinubukan ko ng tawagan yung malapit na ospital since sila na lang talaga ang makakapagpaliwanag nitong nangyayari sa kaibigan ko.
END OF FLASHBACK
Tahimik lang ako habang itong kaibigan ko e modern sleeping beauty na naghihintay ng kanyang prinsesang hahalik sa kanya. Buti wala akong pasok. Tinext ko rin yung mama nya kahapon kaya kasama ko sya ngayon. Yung papa nya nasa ibang bansa kaya nakikibalita lang sa pagtawag.
BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
Short StoryAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.