February 24, 20xx
Para sa isang puting papel,
Hindi maganda ang mood ko. Naiinis akong sobra. Gusto mo ng flashback Ma'am?
Tinawagan ko sya. Sabi ko magkita kami sa park. Ganito kami nung nagkita. Tss.
Sya: Anong pag-uusapan natin, Miles?
Ako: Bakit mugto yang mata mo?
Sya: Wala. Sa sobrang puyat lang to.
Ako: Skye, hindi porke't wala ng pakialam sayo ang lalaking matagal mong hinintay, mawawalan ka na rin ng pake sa sarili mo.
Tapos nagsimula na naman syang umiyak.
Sya: Ang sakit. Ang sakit sakit.
Ako: Anong tingin mo sakin? Hindi nasasaktan jan sa ginagawa mo? Sinabi na sakin ni Kit lahat Skye. Mahal ka nya, mahal mo sya. Umalis sya, hinintay mo. Tapos ngayong bumalik, ayaw na nya sayo pero hinahabol mo pa rin kahit nasasaktan ka na at hindi na tama kasi may mahal na syang iba. Nag-aalala kami sayo! Hindi pwedeng lagi ka na lang ganyan! Nakita mo lang yung lalaking yun, wala ka nang pakialam sa nasa paligid mo!
Sya: Sino ka ba para sabihin sakin yan!? Ano bang paki mo!? Hindi kita kaano-ano!
And then pang of guilt hit me. Oo nga naman Ma'am. Sino ba naman ako diba? Gago lang. Mukhang mapupunta lang sa wala ang usapan kaya umalis na ko. Tinawagan ko si Kit para ihatid sya. Hindi ko kinaya e.
Tae. Pero binigyan ko naman sya ng isang makabuluhang mga salita.
Ako: Hindi ako tulad nya Skye. Kapag mahal ko ang isang tao, hindi ako nang-iiwan.
Tae lang. Gago ang pusang kinalbo.
Pero ang astig, naalala ko talaga yang mga yan. Baka may photographic memory ako! :D Tss. ASA.
Miles.
BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
Short StoryAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.