Entry #27

109 9 0
                                    

February 27, 20xx

Para sa isang puting papel,

May asungot kanina sa dorm na kasama ni mama.

Pero namiss ko sya kahit papano. Dumating kasi si Mama kanina sa dorm namin para... well, bumisita at ipasyal din yung babaeng chinita na kasama nya. Si Mica.

Ansabe ng dahilan na gusto nya raw akong makita at kung anong nagbago sakin. Tss. Gwapo ako all the time. Pa-gwapo ng pa-gwapo. Hahaha!

Sino sya?

Well, sya lang naman yung halos itukso sakin ng mga kaklase ko nung highschool kasi mag-bff kuno yung mga magulang namin at lagi syang pinapabantayan sakin ng mama nya kaya malapit kami sa isa't isa kaso pumunta din sila ng Macau after ng graduation ng fourth year. Kanina lang ulit kami nagkita.

Maganda sya noon, maganda pa rin sya ngayon. Pero wala nang mas gaganda pa sa langit ko. *insert Skye here*

Sabi ni mama, igala daw muna namin sya ni Kit habang naghahanda sya ng meryenda. So, naisip namin ni Kit, sa park na lang.

Kaso, nagulat ako nung nakita rin namin si Skye dun kasama yung maliit nyang aso na husky. Nilapitan namin sya at dahil friendly tong si Mica, binati nya si Skye kaso ang mahirap sa babaeng to, lakas makadawit ng escort e. Laging nakakapit sa braso ko.

Nag-aya si Mica sa coffee shop malapit dun pero umuna na daw kami sabi ni Kit kasi kakausapin ata sya ni Skye.

Weird dahil ramdam kong nakatingin samin si Skye at ang mas ikinagulat ko pa sa kasama ko e nagsalita sya ng bagay na hindi ko inaasahan.

"May gusto sayo yun. Ramdam ko e. Parang papatayin ako sa titig. Hahahaha!"

Okay sana e pero ayaw ko mag-expect.

Gwapong-gwapo at ubod ng talino,

Miles

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon