Entry #11

103 6 0
                                    

February 11, 20xx

Napaaga. Ala una na ko nakauwi ng madaling araw at pakiramdam ko gusto kong magsulat.

Para sa isang puting bwiset. Ang gago lang. Hahahaha! Ang gago lang sobra. Sorry sa bad words Ma'am.

Naunahan na kasi akong magsabi ng nararamdaman ko. Bwiset.

Wala naman akong balak sabihin na gusto ko sya sa birthday nya. Pero iba pala yung pakiramdam kapag may ugok na lalaking naglakas-loob na pwede bang manligaw.

Dun mo kasi nalamang may kakumpitensya ka.

Tapos ang saya pa nilang tingnan.

Hindi ko tuloy alam kung bakit umalis ako. Hahahaha!

Itinapon ko na lang tuloy yung regalo kong teddy bear na kapangalan ko.

Miles

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon