Entry #9

160 11 0
                                    

February 9, 20xx

Para sa isang puting papel,


Bwisit. Bwisit talaga. Argh! Napahiya ako bwisit!

Ma'am, wag kayong mag-alala, 'di naman ako magmumura sa journal na 'to kasi alam kong babasahin nyo pa rin. Sa gwapo kong to. Hehe.

Pauwi ako ng dorm. Naisip kong pumunta sa Thrift Mart para bumili ng jelly ace. Lab exam kasi namin bukas kaya kailangang mag-review. Masarap mag-review kapag kumakain ng jelly ace! Try nyo! Sabi sa inyo Ma'am e! Masipag akong bata.

Matapos kong magbayad, nakita kong kasunod ko lang pala sya sa pila. Kasunod ko lang!?KASUNOD. KO. LANG.

Pero hindi ko napansin. Pero napansin nya ulit ako! Binati pa nga ako e. Pusang kinalbo, kinilig na naman ako.

Marami syang dala. Napaisip ako kung kukunin ko ba. Pero kinuha ko rin, gentleman nga ako kasi. Kaso walang hiya talaga anak ng tokwa nalaglag ko pa yung mga plastic. Nalaglag pa ulit nung nakuha ko na! Natawa tuloy sya ng konti. Bwisit! Masyado akong kinakabahan kasi!


Hindi tuloy ako makareview. Hindi ako makaconcentrate. Kasi bukas nga pala ang birthday nya.

Inimbitahan nya ko. Anong magandang regalo?


Gwapong-gwapo at ubod ng talino,

Milya :D

------

A/N (updated): This story run until the end of February. Sorry kung ura-urada. Epistolary novel po sya kaya pa-journal ang type. Maikli lang talaga sya (kaya nga short story e XD) pero marami pang mangyayari dahil baliw ako. Hahaha! Thank you for the reads! :) :* xx

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon