Entry #21

109 9 0
                                    

February 21, 20xx

Para sa isang puting papel,

Kagigising ko lang. Namiss kong magsulat! Lagot ako kay Ma'am! Hindi ako nakapagsulat ng tatlong araw!

Pero sabi ni Kit, dumalaw daw ikaw kahapon Ma'am? Kasama mo yung ibang faculty? Ang sweet naman! Hahaha! Hearts everywhere.

Nakakainip na dito sa ospital. 2am kasi ng madaling araw. Si Mama tulog, si Kit umuwi sa dorm para ikuha ako ng damit buti nadala nya tong journal ko.

Masyado nga sigurong matigas yung bungo nung janitor king na yun kaya hindi kinaya ng brain cells ko at nagpahinga ng ilang araw. Sabi ng mga doctor mabuti raw at hindi ako natuloy sa coma. Makakauwi na ko sa bukas pero ngayong araw, oobserbahan muna nila ako. Mabuti nagising pa ko.

Kailangan e. May kailangan pa raw akong gawin sabi ni Lord. Haha.

Sabi ni Kit, isang beses lang daw sya dumalaw. Hindi rin nya nakita si Skye sa klase nila. Anong nangyari dun?

Aysh! Gusto ko na lumabas! Pusang kinalbo.

Gwapong-gwapo kahit naka-hospital robe,

Miles.

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon