February 4, 20xx
Para sa isang puting papel na may itim na mga guhit,
Absent si Ma'am kaya hindi nya nabasa ang sinulat ko. Buti naman! Grabe, nawiwili na 'kong magsulat sa notebook na to. Nakakarelax kasi. Tapos wala pa 'kong mapagkwentuhan kaya dito na lang. Forever alone na ko. :(
Pero... pakingtape. Kinikilig ako.
Ngayon ko lang napansin kasi na kaklase ko pala sya sa HUMA01. Parang dati, school at bahay lang ako. Strict kasi ang parents ko. :( Ang gwapo ko raw kasi masyado. Hahaha.
Tapos sa harapang desk ko pa sya umupo. O diba, lakas maka-silay. Tapos nalaglag yung ballpen nya. Syempre, born gentleman ako kaya kinuha ko at binigay sa kanya.
Pero ang pinakanakakakilig sa lahat. Nag-thank you sya at sinabi ang pangalan ko.
Alam nya pala ang pangalan ko.
Pakingtape! Pusang kinalbo! Kinilig ako d'on!
Gwapong-gwapo at ubod ng talino,
Milya
BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
Short StoryAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.