February 22, 20xx
Para sa isang puting papel,
I miss my dorm! I miss my bed! I miss you all! Ulul.
Nakauwi na rin sa wakas! Naalala ko yung mga tests na ginawa sakin kahapon. Ang astig ko talaga. Hindi talaga basta-basta nawawala ang katalinuhan ni Miles Sta. Elena :D
Sinabi sa findings na wala naman daw nagbago pero may swelling pa ng konti kaya ingatan ko raw yung ulo ko. Bwiset kasing Bruce yun.
Nagkausap rin kami ni Skye kanina. Naglakad kasi ako sa park. Nakita ko sya. Hindi ko talaga makalimutan yung makita syang umiiyak.
Nasasaktan ako. Pakingtape.
Pero mas masakit yung malaman mo na umiiyak sya dahil sa lalaking sinasabi nyang kaugali ko. Masakit pero hindi kami parehas nun!
Nagkita na kasi sila.
Tapos wala man lang pake yung lalake sa kanya.
Ang sarap bugbugin. Pero kung hindi lang dahil sa pagkakaospital ko, baka tinanong ko na yung address nun. Tsk!
Naabutan ko lang syang nag-iisa pero, ang sabi nya, nagkita na sila. Pagkatapos daw ng mahabang panahon, nagkita sila. Pero, binalewala na lang nya si Skye.
Dapat ako na lang kasi.
Gwapong-gwapo at ubod ng talino,
Miles

BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
Short StoryAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.