Entry #8

143 10 0
                                    

February 8, 20xx

Para sa isang puting papel,


Akala ko normal lang na araw ngayon pero, hindi pala.

Inutusan ako ni mama na bumili ng groceries ko kasi bukas ng madaling araw, babalik na 'ko sa dorm. Kung alam nyo lang kung gaano kahirap maging isang batang ama. :( Hahahaha! JOKE LANG!

Hindi pa nga nagiging kami, bagito na agad. Ay mali, Angelito pala. 14 pala si Bagito. Hahahaha!

So ayun, bored akong namili, bored akung nagbayad at bored umuwi.

Nagbukas ako ng Facebook, pagkakita ko may nag-add sakin.

Pusang gala. Sya pala.

 Sasagutin ko na ba? Ulul. Ang gay.

Napapansin na n'ya 'ko. Nakng.

Bwisit.

Masama bang kiligin? 


Gwapong-gwapo at ubod ng talino,

Miles Sta. Elena, you are now friends with...

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon