Special POV - Miles#4 :)

137 13 2
  • Dedicated kay YOU!!!
                                    

Miles


Hindi na ako makabalik sa pagtulog pagkatapos akong gisingin nung asungot kong kasama gamit ang kaldero at sandok.

Bwiset e. Sinusubukan kong sulitin ang Sabado dahil siguradong tadtad kami ng gawain next week.

Pero, eto sya hanggang ngayon, kalabog pa rin ng kalabog habang tinatakpan ko ng unan ang ulo ko.

"Miles naman e! Gumising ka na! Nagugutom na ko!"

Aysh. Panira ng moment.

Inayos ko yung buhok ko sabay bangon para kausapin sya. Wala na e. Sira na ang tulog ko.

"Pwede ka namang umorder na lang. Tss."

"Ayaw ko." Parang bading talaga to minsan e. "Diba sabi ko kapag weekends, homemade dapat. Tayo na."

"Kaya mo naman magluto."

Bigla syang nagpamewang tapos tinutok sakin yung hawak nyang sandok.


"Dapat sabay-sabay tayong kakain." Tapos tumingin sya sa relo nya. "Mag-ayos ka na. May darating."

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Sino naman?"


"Si Mica! Tumawag sya kanina. Babalik na kasi sila sa Macau bukas. Padespidida na natin."


"Tss. Aka—" hindi pa ko tapos ng sinasabi ng bigla uli syang may maalala na isa pang bisita.

"Tsaka pala si Skye."

"Ha?"


"Oo. Sabi nya sakin kahapon, ipagluluto nya raw tayo ngayon kaya bumangon ka na jan. Mukhang magiging masaya to. Hahaha." Tapos tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko.

Feels like hell. Hindi pa ko nakaka-get-over sa hiya ko last time.

**

*Ding!* *Dong!*

"Saglit lang." sabi ko. Katatapos ko lang kasi maligo. "Oy, Kit! Maghanda ka na jan sa mesa, andito na ata si Mica."


"Okay!" sagot nya mula sa dining area namin.

Pagkabukas ko ng pinto, akala ko Si Mica. Pusang kinalbo. Spell awkward.

"H-hi, Miles."

"S-sige, pasok." Kinuha ko naman yung dala nyang tupperware at plastic bag tapos pinadiretso ko na sya sa kusina.

"Thankyou. Pinaglutuan ko pala kayo ng buffalo wings at may dala rin akong graham cake para sa dessert." Sabi nya. Magsasalita pa sana ako nang biglang umekstra si Kit.

"Uy! Sarap naman nito! Akin na, isasalin ko sa pinggan."

Pumunta ako sa kabilang side para ilagay sa ref yung graham. Nakita kong sinundan ako ni Skye at mukhang may sasabihin sya pero naudlot yun nung dumating pa yung isang bisita namin.

"Miles! Kit! I'm he— Oh, hi there! Ikaw yung nakita namin kahapon, right?"

"Si Skye yan, Mica." Sagot ko.

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon